Featured Post

Yen Santos, Mabigat Ang Loob Matapos Madawit Ang Pangalan Sa Hiwalayan Nina Paolo Contis At LJ Reyes


Ibinahagi ng isa sa malapit na kaibigan ng aktres na si Yen Santos ang kalagayan nito ngayon matapos maharap sa isang malaking kontrobersiya.

Ayon sa ulat mula sa PEP.ph, sobrang apektado umano si Yen sa kontrobersiya na kinakaharap niya ngayon matapos madawit ang kaniyang pangalan sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Nakausap umano ng naturang website ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Yen kung saan naitanong nila kung nais magbigay ng aktres magbigay ng pahayag tungkol sa kontrobersiya na kinakaharap nito ngayon.


Saad ng kanilang source, 

"I will ask her. She's so down [right now] kaya all we can do is comfort her."

Ngunit makalipas ang kalahating oras ay muling sumagot ang nasabing source at sinabing, "No comment na muna si Lilieyen."

Lilieyen Santos ang full name ni Yen noong siya ay unang nasilayan ng publiko matapos sumali sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.


Nang matanong naman kung kaano-ano ni Yen ang source ay sinabi nito na isa siya sa pinakamalapit na kaibigan ng aktres. Best friend at family friend umano si Yen ng kaniyang kapatid.

Nang tignan naman ng PEP ang social media account ng source na kanilang kausap ay makikita na may mga larawan nga ito kasama si Yen sa mga nagdaang taon simula pa noong taong 2013. Sa mga post naman ng source ay may ilang mga komento na iniwan doon ang aktres. May ilan ding larawan na makikita silang magkayakap.


Sa isang post ng Facebook fan page ni Yen, makikita ang ginawang pagtatangol ng source sa aktres.

Saad sa naturang post,

"Lilieyen is a smart girl and I don’t think she would ruin her reputation over a guy."

Sinabi din ng source na marami ng intriga at kontrobersiya ang kinaharap ni Yen mula pa noon ngunit kahit isa ay wala umanong ebidensya na lumabas tungkol sa mga ibinabato sa aktres.


Saad sa isang magkahiwalay na post,

“THERE IS ALWAYS TWO SIDES OF THE STORY, That is why we must be careful in whatever we say that we think is the truth”

No comments