Featured Post

Video Prank Ni Mygz Molino Kay Mahal, Muling Binalikan Ng Mga Netizens


Muling binalikan ng mga netizens ang isang prank video ni Mygz Molino kay Mahal kung saan makikita ang labis na paghagulgol ng comedy actress sa hindi pagpansin sa kaniya ni Mygz.

Sa nasabing vlog na naka-upload sa YouTube channel ni Mygz, hindi niya pinansin si Mahal sa loob ng 24 oras kahit pa man siya ay kinukulit nito at kinakausap.

Matapos mapansin ang pangbabale-wala sa kaniya ni Mygz, hindi na napigilan ni Mahal na maging matamlay. Kahit ganoon ay pinipigilan pa din ng komedyante ang maiyak.

Ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay hindi na napigilan pa ni Mahal ang kaniyang sarili at naiyak na ito nang todo. Kaagad naman siyang pinatahan ni Mygz at sinabi na ang ginawa niyang pag-ignora dito ay prank lamang.


Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon at komento ang nasabing video. 

Narito ang ilan sa mga komento mula sa online community:

"At least bago nakapiling ni Mahal ang Lumikha natagpuan din nya ang tunay na pagibig sa Lupa.. napakarami na nyang heartbreaks and with Mygz she feel loved talaga, and care and happiness and All. Rest in Paradise Mahal."

"Knowing mahal,,, a little person, with a big heart full of love and kindness and with the laughter she always want to share to the world was so amazing and unbelievable despite of all imperfection of the world.. I want to say thank you mahal for inspiring us,,, until now I can't believe that you already in the kingdom of God,, RIP..


For Sir Mygz thank you for making her happy and special until her last breath.. You are such a Good person and a very kind hearted,. God bless you more."

"Mahal really love Mygz. And Mygz showed genuine kindness on Mahal. Even up to the end they are undeniably bestfriends forever. I cant imagine how pa1nful Mygz is feeling right now. Mahal may you keep on laughing and smiling in Heaven. 🙏"

Si Mahal o Noemi Tesorero sa tunay na buhay ay sumikat sa mundo ng komedya. Siya ay kabilang sa mga pelikula tulad ng Id'Nal, Kokey, at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy!

Nitong Martes lamang, Agosto 31, ay isang malungkot na balita ang ibinahagi ng kapatid ng komedyante na si Irene Tesorero tungkol sa tuluyan ng pamamaalam ni Mahal sa mundo dahil sa Gastro at C0VID-19 sa edad na 46.

No comments