Featured Post

Pauleen Luna, Pinaiyak Si Danica Sotto Dahil Sa Mensahe Nito Kay Vic Sotto


Hindi napigilan ni Danica Sotto na maiyak sa isang makabagbag-damdaming post ng actress-host na si Pauleen Luna sa kaniyang Instagram account tungkol sa asawang si Vic Sotto.

Caption ni Pauleen sa kaniyang post,

"I w𝔦sh you can open my heart and see how much I love you. I don't know if i say it out loud but you are the best part of my l𝔦fe and i wouldn't have it any other way. Thank you for loving, caring and most especially treating me with r𝔢spect. I love you soooo much."

Nag-reply naman si Danica, anak ni Bossing Vic, sa nasabing post.


Aniya, "Bakit ako naiiyak?"

Tugon naman ni Pauleen, "Love you Nix."

Si Danica at Oyo Boy Sotto ay anak ni Bossing Vic sa kaniyang dating asawa na isa ding aktres na si Dina Bonnevie. Sina Vic at Dina ay ikinasal noong 1982 ngunit naghiwalay din taong 1986. Ang kanilang kasal naman ay napawalang bisa noong 1992. 

Kahit pa man hiwalay na sina Vic at Sina, naging maayos pa din ang kanilang relasyon sa isa't isa.

Samantala, maging ang mga netizens ay naiyak din sa post ni Pauleen tungkol kay Bossing Vic dahil kahit pa man malaki ang agwat ng kanilang edad sa isa't isa ay hindi ito naging hadlang para sa kanilang pagmamahalan.


Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"Gusto ko ung “treating me with respect” kc lalo naten minamahal ang ating mga partners kapag nirerespeto tayo. At the same time we respect them also."

"Pauleen loves Vic and she embraced his children. She made sure his ch𝔦ldren are always present in very important occasion! God bless you."

"You have my respect and admiration Poleng. Real talk lng pwede kang d magtrabaho at magbuhay reyna dahil alam natin lahat mayaman si Bossing. Pero look at you nagttrabaho at kumikita ng sariling pera tapos hindi pa maluho. Hindi kta nakikitaan na nagfflex ng mga branded and expensive items. Simpleng babae. Napakaswerte ni bosing syo."


"Naiiyak because you too know the feeling of being blessed with a good partner in life."

No comments