Featured Post

Ogie Diaz, Napamura Nang Malaman Na Ibinebenta Ng Kaniyang Anak Ang Kaniyang Mga Gamit Sa FB Live Selling


Hindi napigilan ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz na mapamura matapos malaman na ibinebenta ng kaniyang anak na si Erin ang ilan sa kaniyang mga mamahaling kagamitan sa isang FB live selling.

Ang mas malala pa ay ibinebenta ni Erin ang mga nasabing gamit sa mas mababang presyo.

Base sa inihayag ni Erin sa kaniyang YouTube channel, ibinebenta niya ang mga mamahaling gamit ng kaniyang ama sa murang halaga lamang.

Masayang saad ni Erin sa camera,

"Dito na lang ako magla-live sa kuwarto kasi baka biglang umakyat si daddy. Ayaw kasi sumali sa akin ni daddy sa vlog ko kaya ngayon magpapa-mine tayo ng mga gamit niya.”


Kasama sa mga gamit na ibinebenta ni Erin sa kaniyang FB live selling ay ang suit ni Ogie na ginamit niya noong ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-50 kaarawan bago ang pandemiya, ang mamahaling pabango ng komedyante, Louis Vuitton bag, boxer briefs, shaver, at marami pang iba.

Isa isa namang ipinakita ni Erin sa camera ang mga gamit ng kaniyang ama katulad ng isang mamahaling pabango na pag-aari nito na ipinagbibili lamang niya sa halagang P300.

Umabot pa sa mahigit na 7,000 ang kaniyang viewers at marami sa mga netizens ang nagmi-mine sa chatbox ng nasabing live selling.


Dahil ginamit ni Erin ang Facebook account ni Ogie, ang notification nito ay lumabas din sa kaniyang phone. Nang buksan ito ng komedyante, laking gulat na lamang niya ng makita ang ginagawang live selling ng kaniyang anak.

Sa pagkakataon na ito ay tinanong na ni Ogie ang kaniyang kasama na si Mama Loi kung ano ang ginagawa ni Erin kung saan sinabi nito na nagli-live selling si Erin.

Nang makita ni Ogie ang mga ibinebenta ni Erin, hindi na niya napigilan mapamura at tinanong ang kaniyang anak kung bakit ginagawa ito.

Saad ni Ogie habang pinapanood ang kaniyang anak,

Taran***do tong si Erin."

Sa huli, pumunta si Ogie sa kwarto ni Erin at kinuha ang lahat ng mga mamahaling gamit kahit alam na niya na ang kaniyang anak ay ginagawa lamang ito para magpasaya ng mga tao.

Inamin din ni Erin na hindi niya intensyon na ibenta ang mga personal na gamit ng kaniyang ama ngunit inihayag din niya ang kaniyang interes sa pagli-live selling dahil ito ay nagbibigay saya sa kaniya.

No comments