Featured Post

Nanay Ng Girlfriend Ng Vlogger Na Si Whamos Cruz Nais Bawiin Ang Kaniyang Anak


Isang kontrobersiya ang kinakaharap ngayon ng sikat na vlogger na si Whamoz Cruz at ang nobya nito.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media si Whamos dahil sa magandang girlfriend nito na kinilalang si Antonette Gail Del Rosario.

Sinabi pa ng vlogger na sa katauhan ni Antonette niya natagpuan ang kaniyang true love. 

Sila ay na-interview pa nga sa programa ng GMA-7 na "Kapuso Mo Jessica Soho" kamakailan lamang kung saan nila ikinwento kung paano sila nagkakilala at nahulog ang loob sa isa't isa.


Sila ay nagkakilala nang minsang gayahin ng dalaga ang dance challenge ni Whamos sa TikTok. 

Kaagad naman napansin ni Whamos si Antonette at doon na nga nagsimula ang kanilang mga dance collab na kalaunan ay nauwi din sa ligawan.

Ngunit makalipas lamang ang ilang araw matapos mag-viral ang dalawa sa social media ay bigla na lamang nagsalita ang ina ng dalaga.


Ibinahagi ng ina ni Antonette na kinilalang si Dolly Gail Del Rosario sa kaniyang Facebook post na nais niyang kuhanin ang kaniyang anak na ngayon ay nasa poder ni Whamos.

Saad pa ni Dolly Gail na magtatapos pa ang dalaga ng pag-aaral at marami pa silang pangarap para dito. 

Napag-alaman din na isa palang menor de edad si Antonette.


Ayon kay Dolly Gail, siya ay hindi nagkulang bilang ina sa kaniyang mga anak. Ang tanging nais lamang niya sa mga ito ay mapabuti sila. Hiling naman niya na sana irespeto ng kaniyang anak at ni Whamos ang kaniyang kagustuhan.

Samantala, nagsalita naman si Antonette tungkol sa isyu at sinabi na hindi alam ng kaniyang ina ang tunay na dahilan kung bakit ayaw na niyang bumalik pa sa kanilang bahay. 



Maging ang nakatatandang kapatid ng dalaga ay ipinagtanggol din ito at sinabi na siya ang naging guardian ni Antonette simula noong bata pa ito. Saad pa nito na mahigpit ang kanilang ina sa kanila kaya naisipan niyang kuhanin na lamang ang kapatid hanggang sa sila ay tumira na nga sa bahay ni Whamos.

No comments