Featured Post

Naaalala Niyo Pa Ba Si Arnel Pineda? Ito Na Pala Ang Kaniyang Buhay Ngayon


Hindi maipagkakaila na marami na ding naiambag ang batikang mang-aawit na si Arnel Pineda sa Pilipinas sa larangan ng musika. Ngunit, katulad ng ibang mga matatagumpay na personalidad ngayon, si Arnel ay dumaan din sa hirap ng buhay.

Noong siya ay bata pa, kinakailangan niyang tumigil sa pag-aaral at magbanat na ng buto upang makatulong sa pamilya. 

Sa murang edad ay naranasan na niyang mangolekta ng mga glass bottles, newspapers, at scrap metal na binebenta niya sa mga recyclers. Siya ay pumupunta din noon sa pier kasama ang kaniyang mga kaibigan upang kumuha ng kakaibang mga trabaho kagaya ng paglilinis ng docked ships at scrap metal.


Dahil sa sipag at tiyaga, nagawa ni Arnel na makaahon mula sa hirap ng buhay. Marami ding oportunidad ang nagbukas sa kaniya dahil sa kaniyang talento sa pagkanta.

Siya ay isa sa mga miyembro noon ng bandang 'Ijos' at napasama din sa banda na 'Amo'. Nang magkahiwa-hiwalay ang kanilang miyembro, si Arnel ay napunta naman sa bagong banda na tinawag na 'New Age'. Dahil sa husay ng kanilang banda, sila ay nabigyan ng pagkakataon na makapag-perform sa kilalang entertainment restaurant sa Hong Kong na 'Grammy's'.


Si Arnel ay na-diskubre ng Warnel Bros noong 1999 na nagbigay sa kaniya ng maraming oportunidad na maipakita pa ang kaniyang talento. Siya ay nagkaroon din ng solo album na may pamagat na 'Arnel Pineda.'

Dito na nagsimulang gumanda ang karera ni Arnel sa mundo ng pag-awit. Sa katunayan nga niyan, siya ay hindi lamang kilala sa Pilipinas kundi pati na din sa ibang bansa dahil sa kaniyang mga performenca sa iba't ibang bansa sa buong mundo.

Si Arnel ay isa na ngayong lead singer ng American rock band na Journey. Maliban sa kaniyang singing career, naka-focus din ngayon si Arnel sa kaniyang pamilya.

No comments