Featured Post

Mister, Sinorpresa Ang Kaniyang Misis Ng Sinampay Na Pera, Usap-usapan Online


Hindi matatawaran ang sakripisyo at hirap na kinakaharap ng mga ina para sa kanilang pamilya. Bukod sa pag-aalaga sa kanilang asawa at mga anak, sila din ang halos gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. 

Kaya naman nararapat lamang sila na bigyang parangal at regalo dahil sa kanilang sipag, tiyaga, sakripisyo, at pagmamahal sa kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng sorpresang ginawa ng mister na ito sa kaniyang misis kung saan binigyan niya ito ng isang regalo na hindi nito inaasahan.


Sa TikTok video ng isang netizen, makikita ang sorpresang "sinampay" na ginawa ng nasabing netizen para sa pagdiriwang ng ika-13 anibersayo nila ng kaniyang misis. Makikita na binalot niya sa plastic ang P200,000 na tig-iisang libo at ito ay isinampay para ibigay sa kaniyang asawa.

Ayon sa kaniya, nais niyang maging memorable para sa kanilang mag-asawa ang kanilang ika-13 anibersaryo. Para sa netizen, kulang pa ang sorpresa niya sa kaniyang asawa sa lahat ng sakripisyo na ginawa nito at pagmamahal nito sa kanila.


Ani ng netizen,

"gusto ko lang na maging memorable 'yung 13th anniversary namin ng wife ko. Kung tutuusin, kulang pa' yan sa lahat ng sakripisyo't pagmamahal niya sa amin. At 'di talaga 'yun matutumbasan ng pera. Kahit ano gagawin ko para sa wife ko, mahal ko eh."

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit na 1.1 million views sa TikTok ang sorpresang sinampay na ito. Ang nasabing video ay umani din ng iba't ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens. 

Kung ang karamihan ay pumuri sa mister para sa sorpresang handog niya sa kaniyang misis, may ilan naman sa mga netizens ang tila hindi natuwa dito. May ilan pa na nagsasabi na tila hindi man lang nagulat ang misis sa sorpresa ng kaniyang mister at tila alam na niya ito. Gayunpaman, may ilan namang netizens ang kaagad na nagtanggol dito.

No comments