Featured Post

Miles Ocampo, Nagsalita Na Tungkol Sa Isyu Na Nabunt1s Diumano Siya Ni Bimby Aquino


Naging usap-usapan sa social media nitong mga nakaraang buwan ang Kapamilya star na sina Miles Ocampo at ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap dahil sa mga fake news na kumakalat online tungkol sa kanila.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kris Aquino ang ginawang surpresa ng kaniyang anak na si Bimby para kay Miles na itinuturing na nila bilang parte ng kanilang pamilya.

Ang mabuting samahan ni Miles at Kris ay nagsimula nang sila ay magsama sa teleserye na 'Kailangan Ko'y Ikaw'.


Ngunit tila nabahiran ng tsismis ang pagiging malapit nina Miles at Bimby sa isa't isa. Mabilis din kumalat ang mga fake news tungkol sa nabunt1s diumano ni Bimby si Miles.

Nauna ng makita ni Ogie Diaz ang mga YouTube videos na nagpapakalat ng mga pekeng balita tungkol sa pagdadalang tao umano ni Miles at ang ama ng pinagbubuntis nito ay ang 14 taong gulang na anak ni Kris.

Sinabihan kaagad ng comedian at talent manager ang mga content creators ng nasabing videos na tigilan na ang paggawa ng mga pekeng balita para lamang makakuha ng maraming views.


Aniya,

"Utang na loob! Yung nabuntis si Miles — para makagawa ng issue, para magkaroon tayo ng views sa ating channel. Utang na loob tigilan niyo yan."

Pinagtanggol din ni Ogie si Bimby mula sa mga hindi magagandang salita na binibitawan ng ibang mga netizens laban dito. 

Saad ng komedyante,

"Kawawa naman yung bata, nagiging subject sa ganitong usapin.


"Kahit anong hina ni Kris, babangon at babangon ‘yan para ipagtanggol at idepensa yung anak para protektahan si Bimby."

Sa kabilang banda, para naman pabulaanan ang isyu, nagbahagi si Miles ng isang post sa kaniyang Instagram Stories na tila sagot niya sa isyu na kumakalat tungkol sa kanila ni Bimby.

Ibinahagi niya ang kaniyang larawan kung saan makikita na nakataas ang isang kilay niya. 

Maikling caption ng dalaga,

"2021 na… naniniwala ka pa din sa fake news?"


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na pinalaki ni Kris si Bimby bilang isang sweet at maaalalahaning bata.

No comments