Featured Post

Mahal Nagparamdam Kay Mura At Mygz Molino Bago Pumanaw


Nagluluksa ngayon ang buong industriya ng showbiz dahil sa pagp4naw ng komedyanteng si Mahal o Noemi Tesorero sa totoong buhay. August 31 nang kinumpirma ng pamilya ni Mahal ang kaniyang pagp4naw sanhi ng Gastr0 illn3ss at C0VID.

Maraming netizens ang nabigla at nalungkot sa biglaang paglisan ni Mahal dahil halos isang linggo pa lamang ang nakakalipas nang mag-upload pa ito ng video sa YouTube channel nila ng kaibigang si Mygz Molino kung saan binisita nila ang kaibigang si Mura sa Guinobatan, Albay.

Makikita sa nasabing video ang masayang reunion ng dalawa na dalawang taon nang hindi nagkikita.


Binigyan din niya ng tulong pinansyal at grocery items si Mura.

Ani Mahal,

"“Yan ang tulong ko sa ‘yo. At least, ngayon lang ako nakabawi… para hindi ka maubusan, meron ka nang pagkain at hindi ka na masyadong lalabas. At least nakapunta rin ako dito kasi ngayon lang ako nakapunta ng bundok."

Dagdag pa niya,

"Hanggang sa tumanda ako, at uugod-ugod, siyempre pupunta pa rin ako dito. Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayro’n pang konting tulong ako sa ‘yo."


Marami naman ang kinilabutan nang muling mapanood ang vlog na ito nina Mahal.

Ayon sa mga netizens, isang cryptic message ang sinabi ni Mahal tungkol sa pagk4wala sa mundo. May mga netizens na nagsasabi na tila nagsilbi itong last mission ni Mahal na mabisita ang kaniyang kaibigan na si Mura bago siya pum4naw.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"when I was watching this I was like 'nnnah how is this so cryptic'. her last mission maybe was really to meet mura. RIP Mahal"

"Last mission ni Mahal is to help her bestfreidn Mura, and mission accomplished! Maybe ito lang talaga hinihintay ni Mahal yung makita for the last time ang long lost partner nya before sya mawala. #RIP Mahal"

"rest in paradise mahal.. grabe ilang linggo lang nung nagkita kayo.. di talaga natin alam tadhana natin at kng hanggang kailan tayo sa mundo. salamat Mahal sa pagpapasaya at sa alaala.."

No comments