Featured Post

Luis Manzano At Kim Atienza, Nagkasagutan Sa Facebook Post Ni Piolo Pascual


Nagkaroon ng tila biruang sagutan ang dalawang personalidad na sina Luis Manzano at Kim Atienza sa Facebook post ng actor-singer na si Piolo Pascual.

Sa kaniyang Facebook page, nagbahagi si Piolo ng kaniyang larawan habang siya ay naka topless at tila kumakain ng almusal na lugaw na may kasama pang lumpia at tokwa.

Caption ng aktor sa kaniyang post,

"Comfort Food. tara, kain po tayo."


Marami naman ang natuwa at humanga kay Piolo dahil kahit pa man isa ng matagumpay na personalidad ngayon ay napaka simple pa din ng agahan nito.

Saad ng isang fan,

"Have a good day Piolo! So nice to see you eating ordinary foods & still healthy goodies. That’s a blessing what is served on the table. But then don’t forget to wear ur upper clothes for having ur meals for God’s blessings! Just my opinion take it or leave it. God bless!"

Samantala, naging agaw pansin naman sa marami ang komento ng TV host-actor na si Luis Manzano sa nasabing post ni Piolo.

Pabirong nagkumento ito ng pagkairita dahil ipinakita umano muli ni Piolo ang pang gagaya nito sa kaniyang kagwapuhan.


Pabirong saad ni Luis,

“Ok lang ba wag ka masyado gumaya sa kagwapuhan ko?!? Nagusap na tayo tungkol sa ganito e.”

May ilan namang netizens ang kaagad na sumang-ayon sa komentong ito ni Luis.

Saad ng isa,

“Alam kong pogi ka (Piolo) pero mas pogi pa rin si Lucky Manzano…. Wag kna mag effort Papa P…. please… Hahahaha saan kaya maganda, ung I LOVE YOU Lucky ni Ate Vi or I LOVE YOU SIR MARCO ni Toni G. Hahahahaha.”

Ngunit maliban kay Luis, nag-iwan din ng komento si Kuya Kim Atienza at ni-replyan ang komento ni Luis para kay Piolo.


Pabiro ding komento ni Kuya Kim,

“(Lucky Manzano) hayaan mo mag iingat ako next time. Back to you guys.”

Tugon naman ni Luis,

“medyo naiinis na ako dito kay PJ e!!” 

Kaakibat ng nasabing reply ni Luis ay ang hashtag na respect.

Marami naman ang natawa sa sagutan nina Luis at Kuya Kim sa post ni Piolo at ito ay nagbigay ng goodvibes sa marami.

No comments