Featured Post

Larawan Ng Lola Ni Dominic Roque, Viral Sa Social Media Dahil Sa Malaking Pagkakahawig Nila Ni Bea Alonzo


Marami ang nagsasabi na tila nakatadhana talaga ang magkasintahan na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa isa't isa dahil sa ilang mga bagay.

Matatandaan na kinumpirma nina Dominic at Bea sa kauna-unahang pagkakataon ang kanilang relasyon sa publiko noong nakaraang buwan lamang. Ito ay matapos ang kanilang bakasyon sa Estrados Unidos.

Noong July 18 lamang ay magkasama ang dalawa sa Estados Unidos para dumalo sa baby shower ng tiyahin ni Dom na si Beth Tamayo at doon din nakilala ni Bea ang iba pang mga kamag-anak ng kasintahan.


Maliban dito, naka-bonding na din ng aktres ang pamilya ni Dominic. Sa isang Instagram post ng kanilang fan page, ibinahagi nito ang mga larawan na kuha sa bahay ng aktor kung saan makikita dito kasama nila ang mga magulang ni Dominic na sina Lena at Anthony Sr. 

Nandoon din sa larawan ang mga kapatid ng aktor na sina Anthony Jr., Iah, at Lhean. Kasama din nila ang asawa ni Anthony Jr. na si Marian at ang kanilang anak na si Claudia.


At kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang larawan ni Lola Zeny ni Dom dahilan para sabihin ng mga netizens na tila nakatadhana talaga para sa isa't isa sina Bea at Dom. Makikita kasi sa nasabing larawan ang malaking pagkakahawig ni Lola Zeny kay Bea noong kabataan nito.

Ang larawan ay ipinost ng kanilang fan page at pinagdikit ang larawan nina Lola Zeny at Bea.

Mabilis na naging viral sa social media ang nasabing larawan at umani ng iba't ibang komento mula sa online community.


Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

“Sabi nila pag may resemblance.. destiny talaga sila”

“nakatadhana talaga sina Bea at Dom hawig na hawig ni Lola eh”

“Ganun daw kapag may kamukha ung gf/bf mo na kamag anak/ka pamilya mo.. Kau daw ang magkakatuluyan”

“magkamukha din naman sila ni Dominique roque e para silang magkapatid “

No comments