Featured Post

Lalaki Na Humagugol Sa Kasal Ng Kaniyang Ex-girlfriend, Viral Sa Social Media


Hindi napigilan ng ex-boyfriend na ito na maging emosyonal at maiyak habang niyayakap ang kaniyang babaeng minamahal na ikakasal na sa ibang lalaki.

Sa isang video na naka-upload sa YouTube, makikita ang groom, bride, at ang dating kasintahan nito sa gitna ng wedding reception ng kasal.

Kahit pa man hindi naririnig ang usapan ng mga ito dahil walang audio ang video, kapansin-pansin pa din naman na ang lalaki ay dating kasintahan ng bride dahil sa labis na pag-iyak nito habang kausap at kayakap ang bride.

Sa naturang video, makikita na hindi na iniinda ng lalaki ang bride at groom na nasa harap niya at mga taong nakakakita sa kanila dahil patuloy lamang siya sa paghagulgol sa pag-iyak. Makikita din na naiyak ang bride sa pangyayari. At sa kahuli-hulihang pagkakataon na makakasama nila ang isa't isa ay isang mahigpit na yakap ang kanilang iginawad sa bawat isa. 


Samantala, ang groom naman ay kalmado lamang na nakatayo sa tabi ng bride at pinapanood lamang ang dalawa.

Kaagad naman na naging viral ang nasabing video sa social media at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa online community. Ang ilan ay nalungkot at nadurog ang puso para sa dalawa. 


May ilang netizens naman ang nagsasabi na dapat ang babae ay hindi na nagpakasal pa sa ibang lalaki dahil kapansin-pansin naman na mahal pa din nito ang dating kasintahan. Samantala, marami naman ang humanga sa groom dahil sa pagiging kalmado nito sa kabila ng sitwasyon.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"All I can say to the ex bf is, he is a true blooded legend and a brave  warrior.."

"Yan ang tunay na lalaki tumatangap ng pagkatalo at  sumusuporta kahit masakit para lang sa mga taong mahal nila. Your the man"

"Salute to the groom.  Imagine seeing your bride cried kasi yung ex-bf eh nandun at may sinasabing kung anu,  it shows that there still have a feelings.  The way she cried and reaponse to her ex-bf sentiments.  How lucky the bride kasi understanding yung napangasawa nya. Hoping happiness to the 3 of them"

No comments