Featured Post

Kiray Celis, Nagbigay Ng Mensahe Para Sa Namaalam Na Si Mahal, Umantig Sa Puso Ng Mga Tao


Ikinabigla at ikinalungkot ng marami ang tuluyang pamamaalam ng batikang komedyante na si Mahal o Noemi Tesorero sa tunay na buhay sa edad na 46.

Ito ay kinumpirma ng kaniyang kapatid na si Irene Tesorero at sinabi na binaw1an ng buhay si Mahal sa isang ospital sa Batangas. Sinabi ni Irene na C0VID-19 at Gastr0 illn3ss ang sanhi ng pagk4wala ng actress-comedian.

Ayon sa ulat ng PEP, mayroon umanong pre-existing medical conditions si Mahal tulad ng high blood pressure.


Samantala, marami naman sa mga kasamahan niya sa showbiz industry ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay at isa na nga dito ang aktres na si Kiray Celis.

Matapos ang balitang pum4naw na si Mahal, kaagad naman nag-post si Kiray ng isang mensahe. Sa kaniyang post, sinabi ni Kiray na kahit maiksi lamang ang panahon na sila ay nagsama ng comedy actress, hindi pa din maalis ang kanilang mga pinagsamahan.

Mensahe ni Kiray,

"Sa liit na panahon na nakasama kita, ganun naman kalaki ang naibigay mong saya sa puso ko."


Dagdag pa niya,

"Ayoko isipin... Ayokong tanggapin... Ayokong maniwala, Ate Noeme, mahal na mahal kita. Sana hindi totoo ito, please."

Si Kiray Celis at Mahal ay nagkasama noon sa romantic comedy series ng GMA-7 na 'Owe My Love' na pinagbibidahan din nina Jelai Andres at Lovi Poe.

Ginampanan ni Mahal ang role sa nasabing teleserye bilang Mini Divi.

Si Mahal o Noemi Tesorero sa tunay na buhay ay ipinanganak sa Virac, Catanduanes. Siya ay sumikat noong 90s at bumida din sa mga TV series at pelikula. Si Mahal ay nagsimulang pasukin ang mundo ng YouTube vlogging noong Hulyo 2020.


Matatandaan na nitong Agosto 27 ngayong taon lamang ay ipinakita pa niya ang behind-the-scenes ng kaniyang appearance sa Kapuso Mo Jessica Soho. Ang mga scenes ay kuha sa kaniyang pagbisita sa matalik na kaibigan at dating love team na si Mura.

No comments