Featured Post

Kilalanin Ang Multimillionaire Na Aktor Na Nanatiling Simple Ang Pamumuhay


Alam mo bang mayroong higit sa 5,000 mga tao sa mundo na ang kapalaran ay lumalampas lang naman sa isang bilyong dolyar? At ito lamang ang opisyal na data. Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga mayayamang tao na palagi nating nakikita sa spotlight.  Madalas kasi ay natatampok ang kwento ng kanilang buhay sa media. Katulad ng karamihan sa atin na mga ordinaryong tao, kayang kayang makuha ng mga mayayaman ang halos lahat ng gusto nila.

Ngunit pareho nga ba talaga sila? Gaano man ang pakiramdam natin tungkol sa mayaman, ang ilan sa kanila ay nabubuhay nang simpleng pamumuhay, bumibili ng mga damit na secondhand at kumakain sa mga murang kainan sa halip na sa isang magandang restaurant. Hindi ito dahil sa mura lamang, ngunit dahil mas gusto nilang ilaan ang kanilang kayamanan sa mga mahahalaga at importanteng bagay.

Ang tampok sa kwentong ito ay wala ibang kundi si Chow Yun-fat, isang kilalang Chinese actor. Sikat siya sa kaniyang pagganap sa mga kilalang pelikula tulad ng Crouching Tiger, Hidden Dragon, Hard Boiled, Bulletproof Monk, Pirates of the Caribbean, at marami pang iba.

Habang ang kanyang mga kasamahan ay namumuhay ng magarbong buhay na puno ng luho, ang personalidad na ito ay nagawang sorpresahin ang buong mundo sa simple ng kaniyang pamumuhay. Ngunit, iilang tao ang nakakaalam na si Chow ay ipinanganak noong Mayo 18, 1955, sa isang maliit na isla ng Lama sa isang mahirap na pamilya ng mga magsasaka. Si Chow ay nagkaroon ng simple at pangkaraniwang pagkabata. Sa kaniyang murang edad, siya ay kailangang bumangon pagsikat pa lamang ng araw upang pakainin ang mga alagang hayop, at pagkatapos ay pumupunta naman siya sa merkado upang matulungan ang kanyang ina na magbenta ng mga pie. Pagkatapos lamang nito ay saka pa lamang siya pumapasok sa eskwelahan. 

Ngunit kahit na pagkatapos ng kaniyang klase, wala siyang oras upang maglaro dahil kailangan niyang bumalik sa trabaho. Ang kanyang buhay ay hindi naiiba mula sa milyon-milyong iba pang mga ordinaryong lalaki. 


Noong 1968, ang pamilya Chow ay lumipat sa Hong Kong sa pag-asa na sila ay magkakaroon ng magandang buhay, at malinaw na kailangan nila ng maraming pera upang mabuhay sa isang metropolis. Ngunit hindi naging madali ang kanilang buhay noong sila ay lumipat. Minsan ay wala silang sapat na pera upang magrenta ng isang maliit na bahay. Nang napagtanto na hindi makayanan ng kanyang mga magulang ang sitwasyon, huminto si Chow sa sa pag-aaral sa edad na 17 at nagsimulang maghanap ng trabaho.

Sa mga oras na iyon, walang ideya si Chao kung ano ang nais niyang gawin. Samakatuwid, sa loob lamang ng isang taon, nagawa niyang baguhin ang isang bungkos ng mga trabaho. Sinubukan niya ang kanyang sarili sa halos lahat. Siya ay naging isang delivery boy, isang loader, isang salesman, isang handyman. Gayunpaman, kung ano man ang susubukan niya, palagi niya itong sinusukuan agad sapagkat hindi ito ang para sa kanya.

Pag-alala ni Chow,

"One day, looking through job ads for the umpteenth time, I came across the TVB channel's casting call. Of course, everybody thought I was crazy. I had little if anything to do with television. Many even told me not to waste my time on pointless things. They advised me to find a real job and harbored no illusions. Nonetheless, I thought that I should at least try."

Si Chao ay walang edukasyon o karanasan sa pag-arte. Ni wala siyang suit para sa audition. Sa kabila ng lahat ng ito, nagpasya ang binata na magpatuloy at subukan pa din mag-audition. Mahirap mang paniwalaan, ngunit sa higit sa 100 mga tao na nagpakita sa araw na iyon, pinili ng mga director ng casting si Chow.


Aniya,

"I was beyond surprised when they approved me for the role."

Kumpara sa natitirang mga aplikante, siya ay isang batang lalaki sa nayon na walang edukasyon ngunit marahil iyon ang isa sa mga dahilan na umakit sa mga casting directors. Sa totoo lang, ang casting na iyon ang siyang nag-mark sa simula ng career ni Chow Yun-fat

Siyempre, ang mga bagay ay hindi naging maayos sa una. Pagsusumikap at sipag ang puhunan ng binata para makamit kung ano ang mayroon siya ngayon. Sinabi ni Chow na ang kaniyang big break ay ang matapos niyang makilala si John Woo. Ang kanilang director-actor creaive tandem ay nagdala ng ilan sa mga pinakamahusay na aksyon na pelikula sa cinematography ng Asya. Sa paglaon, si Chow Yun-fat ay magwawagi sa Hong Kong award ng tatlong beses sa kategoryang Best Actor.

Sa kabila ng hindi nakatapos ng pag-aaral o kumuha ng anumang mga aralin sa pag-arte, nanatili lamang siya sa kung sino talaga siya kahit na sa screen. Nagawa ni Chow na makamit ang pinapangarap lamang ng iba. Ang kayamanan ng aktor ay lumampas sa $750 milyon. Sa ngayon, kung saan nahihirapang paniwalaan ng marami, ang isang katulad ni Chaw na isang mayamang personalidad ay kaya ng bayaran ang anumang bagay na naisin niya. Ngunit sigurado si Chow Yun-fat na ang kaligayahan ay walang kinalaman sa pera. Ang pamumuhay niya ay maaaring mukhang kakaiba sa marami dahil sa kayamanan na mayroon siya, nakakagulat lamang na siya ay nabubuhay tulad ng lahat ng mga ordinaryong tao. Bukod dito, sinabi din niya na kailangan niya lamang ng $200- $300 sa isang buwan.

Ngayon, si Chow ay 65 taong gulang na at walang alinlangan na tinanggap siya ng Hollywood at gayon pa man ang Amerika ay hindi naging pangalawang tahanan para sa kanya. Ang artista ay nakatira pa rin sa isang apartment sa Hong Kong kasama ang kanyang asawa. Siya ay bumibisita lamang sa California upang mag-shoot ng mga pelikula o para sa negosyo.

Ngunit sa kabila ng kanyang kahanga-hangang personalidad at kayamanan, ang kilalang tanyag na tao na ito ay kumakain ng fast food mula sa mga nagtitinda sa kalye at gumagamit ng pampublikong transportasyon. Sa katunayan, madalas siyang mapansin na naglalakad sa kalye nang walang anumang mga bodyguard, at palaging kusang-loob na kumukuha ng mga larawan kasama ang mga ordinaryong tao at binibigyan sila ng mga autograp.

Saad ni Chow,

"I don't even remember the last time I bought myself new clothes, and to be honest, I don't care what privilege people think of me. First of all, I wear clothes for myself, not others. And I only want them to be comfortable. The hardest part of this life is keeping a positive mindset, not the need to make money. I just want to live the rest of my life as a carefree and down-to-earth person."

Si Chow Yun-fat ay isa sa kilalang kinatawan ng mga artista sa Asya sa Hollywood at binansagan siyang "Emperor of the Asian Box Office" sa kanyang tinubuang bayan.


Siya ay gumagamit lamang ng parehong teleponong Nokia sa loob ng 17 taon. Madalas ay ipinapagawa niya ito at ipinagpatuloy ang paggamit nito hanggang sa tuluyang masira. Nito lamang 2020 ay bumili ang aktor ang kanyang unang smartphone.

Ang buhay personal ng aktor ay hindi naging maayos kumpara sa kaniyang career. Noong 1986, ikinasal siya kay Jasmine Tan, anak ng isang napaka-impluwensyado at mayamang negosyante. Ang mga unang taon ng kanilang pagsasama ay maayos ngunit hindi nagtagal ay hindi  magkakaanak ang mag-asawa. Ang balitang ito ay dumating bilang isang kulog sa isang malinaw na araw ngunit sa paglaon ng panahon, nagawa nina Chow at Jasmine na panatilihin ang kanilang pag-unawa at pagmamahal sa bawat isa.

Maraming mamamahayag ay namamangha pa rin na ang asawa ni Chow ay sumusuporta sa kanyang pamumuhay nang hindi hinihingi ang mamahaling bagay. Sa loob ng higit sa 20 taon, si Chow ay gumagamit ng pampublikong transportasyon at siya ay madali lamang makita sa kalye. Sina Chow at Jasmine ay naninirahan lamang sa isang maliit na apartment kahit na ang mag-asawa ay may sariling bahay. Inanyayahan nila ang nasa 20 ng kanilang pinakamalapit na kaibigan upang ipagdiwang ang ika-60 kaarawan ni Chow, kasama na si Jackie Chan. At si Jasmine mismo ang naghanda ng lahat ng pagkain.

Sa totoo lang, ang mag-asawa ay kumakain sa bahay ng madalas at si Jasmine ang nagluluto. Wala silang mga kasambahay o ibang kawani. Tulad ng marami sa atin, sila ang siyang namimili sa supermarket.

Para kay Chow, ang pagtulong sa isang matandang tumawid sa kalye ay isang ordinaryong bagay lamang para sa kaniya. At kahit na sa pinakamagagandang mga receptions, madalas siyang makikita na nakasuot lamang ng maong at sneaker. Isang araw, kumakain siya sa parehong mesa kasama ang mga kilalang tao sa Hollywood, at kinabukasan, regular na siyang bumiyahe pabalik sa China sa halip na sumakay sa isang pribadong jet. Nakipagkamay siya kay Brad Pitt at tinaatapik sa balikat si Jackie Chan at sumakay sa subway kasabay ng mga ordinaryong tao na nagmamadali sa trabaho.

Si Chow ay mahilig sa mga outdoor activities. Siya at ang kanyang asawa ay madalas na namamasyal sa mga parke at bumibisita sa iba't ibang mga pampublikong lugar kung saan makikita siya ng sinuman at lumaalapit upang makipagkamay. Siyempre, sa una ay nabigla ang marami dahil hindi isang pangkaraniwang bagay para sa isang ordinaryong dumadaan na makalapit sa isang legend sa pelikula. Gayunpaman, mabilis na napagtanto ng mga tao na si Chow ay tulad din ng iba na may mga problema at pag-aalala, ngunit hindi pa rin ito ang dapat mong malaman tungkol sa dakilang taong ito.

Madalas na nakikita si Chow na tumutulong sa mga hindi kilalang tao. Katulad na lamang ang pangyayari sa isang malaking pamilya na ang bahay ay nasunog. Makalipas ang ilang sandali matapos na maitala sa TV ang kanilang kwento, isang halagang $100,000 ang nailipat sa kanilang account. Hindi pa rin alam kung sino ang nagpadala nito ngunit marami ang sigurado na si Chow ang gumawa nito.

Tinatrato ni Chao ang bawat isa na may pantay na respeto, maging isang katulong sa tindahan o isang waitess sa isang cafe. Hindi niya kailanman inilalagay ang kanyang sarili sa iba kahit na iisipin ng ilan ito ay dahil sa kaniyang katayuan. Bukod dito, hindi siya kailanman nasangkot sa politika o nagsimula ng anumang mga negosyo. Wala siyang pakialam sa pera. Nais lamang niyang mabuhay tulad ng isang ordinaryong tao at magsaya sa bawat bagong araw. Kahit na kung nais niyang maging isang Alkalde, halimbawa, o maging Pangulo, makakakuha siya ng napakalaking suporta mula sa mga regular na tao.

Noong 2010, isang magazine ang nagbahagi ng listahan ng mga personalidad kabilang sa nangungunang 50 pinakamagagandang tao sa buong mundo noong nakaraang siglo at si Chow pa rin ang numero uno sa China. Mahal na mahal ni Chow ang mga bata at madalas na hawakan sila kapag ang mga hindi kilalang tao ay nais magpakuha ng litrato kasama siya.

Saad ni Chow,

"Money won't make you a bad person if you just remain yourself. For me, money isn't the main thing. I love my job. I like making people smile. I never hide from my fans. On the contrary, I like being recognized."

Gayunpaman, ang kamakailang pahayag ni Chao ay naging isang mainit na paksa sa media. Dahil siya at ang kanyang asawa ay walang anak, nagpasya siya na ibigay ang lahat ng kanyang pera sa charity bawat solong sentimo. Ang pera ay mapupunta sa mga bahay-ampunan at ospital pati na rin sa mga pamilya na may mababang kita at malalaking pamilya.

Saad ng actor,

"All the money that I have and earn is mine but at the same time, it's not. I'm just holding it until it gets donated to charity. You could say that I'm just a mediator."

Daan-daang mga tao ang pumalakpak at ang ilan ay umiyak pa sa kaniyang speech.

Si Chow Yun-fat ay mayaman, sikat, at isang matagumpay na personalidad. Sa kabila ng pagiging isa sa mga mayayamang personalidad sa buong mundo, nananatili pa ding simple ang pamumuhay nito.

No comments