Featured Post

Kilalang Singer/Actress, Inihayag Ang Pagkadismaya Sa Nanlokong Contractor Na Bayad Ng P7 Million!


Tuluyan na ngang nagsampa ng kaso ang singer-comedian na si K Brosas laban sa contractor ng kaniyang ipinapagawang bahay. Umabot na umano sa P7 million ang naibigay niya sa contractor ay hindi pa din tapos ang bahay at tuluyan ng iniwan na nakatiwangwang.

Sinubukan naman daw ni K na kausapin ang taong pinagkatiwalaan niya sa kaniyang dream house ngunit walang nangyari. Kaya naman labag man sa kaniyang kalooban ay kinailangan na niyang daanin ito sa legal na paraan.

Pagbabalik tanaw ni K sa kaniyang Instagram post,

"Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang making bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pagupa ng townhouse at condominium unit."


Dagdag pa ng komedyante,

"Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pagaartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.

"Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon... inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. Maiintindihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog.

"Wala e, kelangan nating mangarap."

Inamin din ni K na siya ay nagkaroon ng anxiety dahil sa nangyari.



"Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari.

"Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress."

Sa huli, ipinaliwanag ni K na kahit pa man siya ay masaya at nagbibigay kasiyahan sa marami ngunit labis naman ang bigat na kaniyang nararamdaman sa likod ng kamera dahil nawala ang kaniyang pangarap na bahay para na din sa kaniyang anak.

Aniya,

"Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses na 'kong nag-breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress. 


"Masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba, pag hindi nakaharap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko.

"Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko."

Pagtatapos ng komedyante,

"Naniniwala pa rin ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day."

No comments