Featured Post

Kilalang Online-manghuhula Na Si Rudy Baldwin, Ipina-Tulfo


Muli na namang gumawa ng ingay sa social media ang kilalang online psychic na si Rudy Baldwin. Ito ay matapos siyang ipa-Tulfo ng isang babae dahil sa maling vision umano nito.

Si Rudy Baldwin ay nakilala sa social media dahil sa ilang mga pangyayari na naganap sa bansa na diumano ay nahulaan niya dahilan para umingay ang kaniyang pangalan. Sa katunayan nga niyan ay umabot na sa mahigit na 4 million ang kaniyang followers sa Facebook.

Ngunit kamakailan lamang ay nasangkot sa ilang kontrobersiya si Baldwin.


Isang malaking akusasyon ang lumabas laban dito at sinasabi na si Baldwin ay isa umanong manloloko at scamm3r, ayon kay Xian Gaza. Kaya naman marami sa mga netizens ang ginawang katatawanan ang mga post ni Baldwin tampok ang mga pangyayari na nakikita umano niya.

Sa kabilang banda, isang ginang ang lumapit sa programa ni Raffy Tulfo na "Wanted sa Radyo" upang ireklamo si Rudy.

Ayon sa ginang na si Solen Itaya, katulad ng maraming netizens, siya ay naniwala din sa mga vision ni Baldwin kaya naman hindi siya nagdalawang isip na mag pa-vision sa online psychic para sa gender ng kaniyang magiging apo.


Ayon kay Solen, kinakailangan muna daw siya na magbigay ng pera kay Baldwin at dahil malaki ang tiwala niya dito, naisip niyang magbigay ng mahigit na P60,000 - P70,0000 para umano sa mga vision sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Ngunit, sa lahat umano ng mga hula ni Baldwin sa kaniya ay walang natupad kahit isa. Kasama na dito ang hula nito na babae umano ang kaniyang magiging apo. Dito lamang napagtanto ni Solen na siya ay nabudol ni Baldwin.


"Lalaki pala! Na shock po kami. So binalikan ko po sya, tinawagan ko sya (rudy baldwin) sabi ko, ‘Madam mali po yung vision nyo. pinakita ko pa yung pusod sabi nyo nasisilip nyo babae.’ Ang sinagot niya po sa akin, ‘Pasensya na kasi nakadapa puwet pala yung nakita ko."

Sinagot naman ni Rudy ang alegasyon ni Solen laban sa kaniya at sinabi na handa niyang harapin ito sa korte. Nilinaw din ni Baldwin na hindi lahat ng kaniyang pangitain ay nagkakatotoo dahil sa huli ay sa Diyos pa din nakasalalay ang mangyayari.


Maliban kay Solen, nanghingi din ng tulong ang dating manager ni Baldwin na si Bonita Pascual para ireklamo ang psychic sa panloloko na ginawa umano nito sa kaniya.

Paglalahad ni Bonita, na-vision umano ni Baldwin na siya ay magiging Mayor ng Bulacan na kaniyang pinaniwalaan naman dahil sa tiwala niya dito. Ngunit simula umano nang makasama niya si Baldwin ay puro kamalasan na lamang daw ang nangyari sa kaniya.

Ani Bonita,

"Amazed na amazed po syempre… Marami po siyang sinabi regarding sa income, na ganito raw po ang gawin ko sa buhay ko, magbenta ako ng ganito, ng ganyan. Ako naman po si g*go, binenta ko naman lahat."

Ayon pa kay Bonita, na-vision din umano ni Baldwin na magugunaw na ang mundo dahilan para mahikayat siya nito na ibenta ang kaniyang mga ari-arian. Sinabi din niya na nagawa niyang uminom ng tubig na may laway di umano ni Baldwin para sa pantanggal umano ng kaniyang stress.

Si Baldwin ay kakasuhan nina Solen, Bonita, at pitong iba pa dahil sa pangii-sc4m umano ng psychic sa kanila.

No comments