Featured Post

Jinkee At Manny Pacquiao, Pinaranas Sa Kanilang Mga Anak Ang Kumain Ng Bagoong Isda o Ginamos


Kumasa din ang pamilya Pacquiao sa 'Ginamos Challenge' sa Visayas o kung tawagin naman sa Tagalog ay 'Bagoong Challenge'.

Sa video na in-upload ng asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa kaniyang YouTube channel, inilahad niya na naisipan niyang gawin ang nasabing challenge dahil hindi pa nararanasan ng mga anak nila ni Manny na kumain ng nilagang saging na mayroong ginamos.

Sa nasabing vlog, makikita din na tinuturuan ni Manny ang kaniyang mga anak na kumain ng saging na may ginamos.


Noong una ay nag-aalangan pa ang magkakapatid na sina Jimuel, Michael, Princess, at Queenie na kainin ito dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakakain sila nito. Kalaunan ay napapayag din naman ng mag-asawa ang kanilang mga anak.

Makikita sa vlog na walang kaarte-arteng kinain ng magkakapatid ang nasabing pagkain kahit pa man sila ay nag-aalangan pa.

Sa nasabing vlog, ikinwento din ni Manny sa kaniyang mga anak na ang pagkaing ito ang madalas nilang kainin noon.


Hindi nakapagtataka kung bakit marami ang humahanga sa pamilya Pacquiao dahil kahit pa man matagumpay na sa buhay, sila ay nananatili pa ding mapagkumbaba sa buhay. Kaya naman nararapat lamang din talaga ang mga bagay na tinatamasa nila ngayon sa kanila dahil sa kanilang kabutihan.

Kahit pa man may kaya na sa buhay, hindi pa din nakakalimutan ni Manny na lumingon sa kaniyang pinanggalingan at ibahagi ang buhay na mayroon sila noon sa kaniyang mga anak.

Marami naman sa mga netizens ang humanga at muling pinuri ang pamilya Pacquiao dahil sa kanilang pagiging mapagkumbaba at kailanman ay hindi nila pinagyabang ang mga bagay na mayroon sila sa halip ay ibinabahagi pa nila ang mga biyayang natatanggap sa buhay, lalo na sa mga taong nangangailangan.

Tunay na isang inspirasyon ang pamilya Pacquiao para sa marami.

No comments