Featured Post

Isang Pasahero, Ipinagmaneho Ang Matandang Taxi Driver Na Sobrang Antok Na


Kamakailan lamang ay nagviral sa social media ang larawan na ibinahagi ng babaeng pasahero na si Cristina Tan Villanueva na ipinagmaneho ang 70-anyos na taxi driver dahil sa labis na antok nito.

Ayon kay Cristina, habang sila ay nasa byahe ay bigla na lamang daw sinabi ng taxi driver na siya ay ililipat sa ibang taxi dahil na hindi nito kaya pang magmaneho sa labis na antok. 

Dahil delikado din kung ibababa pa siya nito kung saan at baka hindi din kaagad makahanap ng ibang masasakyan ay naisip na lamang ni Cristina na siya na ang magmamaneho ng taxi at pagpahingahin ang taxi driver sa likod ng sasakyan nito.

Noong una ay nag-aalangan pa ang taxi driver kung marunong ba talaga si Cristina na magmaneho ng sasakyan ngunit marahil dahil sa sobrang antok ay pumayag na din ito. Nakatulog din naman kaagad ang taxi driver habang nagmamaneho si Cristina. May mga pagkakataon pa nga daw na may ilang pasahero na pumapara sa kanila ngunit nagugulat na lamang ang mga ito kapag nakikita na siya ang nagmamaneho.

Ayon pa kay Cristine, ang matandang taxi driver ay 70-anyos na. Sa kanilang pag-uusap ay napag-alaman din niya na ito pala ay nagda-drive na ng taxi noong panahon pa ni Marcos. May mga anak din umano ito na puro babae kaya naghahanap buhay pa din siya hanggang ngayon upang matustusan ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya. Ginising lamang ni Cristina ang driver noong sila ay makarating na sa kaniyang bahay.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang pumuri kay Cristina dahil sa kabutihang loob na ipinakita nito sa matandang driver. 

Narito ang ilang komento mula sa online community:

"sana dumami pa ang katulad mo di lang ikaw maganda sa pang labas maganda rin ang puso mo..."

"Godbless u ma'am marami p tlaga mga taong n my mgandang kalooban"

"Mganda na nga maganda pa Ang puso sana lahat ng mga tao may puso katulad mo salute ako Sakabutihan mo'

No comments