Featured Post

Isang Netizen, Inayusan At Binihisan Ang Isang Taong Grasa, Viral Online


Hindi maipagkakaila ang mga pagsubok at hirap na pinagdadaanan natin ngayon dahil na din sa dulot ng pand3miya sa bansa, lalo na ngayon at mayroon pang bagong variant ang nasabing dominant virus. Gayunpaman, sa kabila ng hirap at pagsubokd na ating kinakaharap ngayon, nakakatuwa lamang isipin na may mga tao pa ding nagbibigay tulong sa kanilang kapwa, lalo na sa mga nangangailangan.

Sa latest upload ng vlogger na si "Kalingap RAB" sa YouTube, ibinahagi niya ang tulong at makeover na ginawa niya at ng kaniyang grupo sa taong grasa na nakilala sa pangalan na Christian.

Sa nasabing video, makikita na sinama pa nila si Christian sa kanilang tahanan. Pinakain at binihisan din nila ito. Matapos ng agahan ay doon na isinagawa ng vlogger at ng kaniyang team ang makeover na gagawin para kay Christian.

Una ay pinagupitan nila si Christian kung saan kitang kita kung gaano na kaaliwalas at ka-gwapo ang hitsura nito. Sumunod ay dinala nila ito sa mall upang bilhan ng mga damit at mga sapatos.

Matapos ang makeover ay inihatid na nila ito sa sasakyan dahil ito ay uuwi na kasama ang pamilya nito. Labis naman ang pasasalamat ng pamilya ni Christian sa vlogger dahil sa tulong na ginawa nito para kay Christian.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang pumuri sa vlogger dahil sa tulong na ibinigay nito kay Christian at sa pamilya nito na walang hinihinging kahit na anong kapalit. 

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Mission accomplished. Wow ang galing na ni Christian pogi na. Maraning salamat Kalingap Rab at Team at sa buong Matubang Family napakabait niyo po kay Christian at sa family niya. God is so happy sa nagawa niyo at ginagawa pa sa mga mahirap. Tunay po kayo na instrumento ng Diyos."

"Wishing Christian a bright future ahead. I hope one day you will be able to read all the comments here and that will be the day you can inspire others in the same situation as yours, be a testimony of hope and pay it forward.  ♥️🙏"

"Thanks a lot for saving him, despite this pand3mic, we still see people helping those unfortunate..nkaka good vibes 🥰👏👏👍GOD BLESS 🙏🙏"



No comments