Featured Post

Isang Dalaga Mula Taiwan, May Malaking Pagkakahawig Kay Marian Rivera


Agaw pansin ngayon ang isang dalaga sa social media dahil bukod sa kaniyang taglay na kagandahan, kamukha din umano nito ang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Base sa kaniyang TikTok at Instagram account, ang kaniyang pangalan ay Lea Dumortier. Sa kaniyang mga video, mapapansin na may pagkakahawig talaga ang dalaga sa mukha ni Marian kapag tinitigan mabuti ang kaniyang mukha.

Halos napuno ng mga komento ang kaniyang mga video tungkol sa pagkakahawig nila ng Kapuso actress.


Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Parang ang bilis naman lumaki ni Maria Letizia, parang kailan lang e bata pa yun. "

"Tehh, hinahanap ka na ni DingDong magluto na daw."

"U look like the primetime queen in GMA a celebrity, her name is Marian Rivera."

"You looked like Marian Rivera. Pati yung nunal sa mukha. Beautiful!"

"Combination of Marian Riverra and Carla Abellana. So pretty!!"


Marami din ang nagtatanong kung ito ba ay isang Filipino o taga ibang bansa ngunit ito ay sinagot ni Lea at sinabi na isa siyang French at Taiwanese.

Gumawa din si Lea ng isang video kung saan pinagkumpara niya kung sino ang mas kahawig niya.

Kabilang sa mga celebrity na ito ay sina Kristine Hermosa, Carla Abellana, at Marian Rivera. Ngunit ayon sa kaniyang mga taga hanga at maging sa mga netizens din ay may malaki talaga siyang pagkakahawig sa Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian.

May ilan pa nga na nangungumbinsi sa dalaga na pasukin ang mundo ng showbiz ngunit kailangan muna niyang matuto ng salitang Tagalog kung sakali man.

Sabi naman ni Lea na masaya at overwhelmed siya sa mga mensahe na kaniyang natatanggap mula sa publiko. Isa ding karangalan para sa kaniya na maikumpara ang kaniyang ganda sa isa sa mga sikat at pinakamagandang aktres dito sa Pilipinas.

Gayunpaman, wala naman siyang tugon mula sa mga nagsasabi na maaari niyang pasukin ang showbiz industry.

No comments