Featured Post

Gina Pareno, Naranasan Na Maging Tindera Ng Saging At Trycicle Driver Noon Bago Naging Artista


Si Gina Pareno o Geraldine Acthley sa tunay na buhay ay isa sa mga hinahangaan at batikang aktres sa Philippine showbiz industry. Nagsimula ang kaniyang career bilang mga extra sa mga pelikula noong 1960 hanggang sa unti-unti siyang makilala dahil sa husay niya sa pag-arte at gumawa ng mga pelikula sa ilalim ng Sampaguita Pictures.

Ngunit katulad ng ibang personalidad, si Gina ay naranasan din ang hirap ng buhay. Bago makamit ang kasikatan at tagumpay na mayroon siya ngayon ay naranasan muna niya na magtinda ng mga pritong saging at maging tricycle driver.

Minsan ay ume-extra siya sa mga pelikula kung saan siya nakitaan ng potensyal sa pag-arte. Si Gina ay naging isang tricycle driver din sa Makati noon at kahit bawal magtinda sa tapat ng opisina ng Sampaguita Pictures noon ay umaakyat na lamang siya sa bakod upang makapagtinda siya sa loob. Tanging sampung piso lamang ang natatanggap ni Gino noon sa pagiging extra niya sa mga pelikula.


Sa panayam sa kaniya ni Pia Arcanghel sa palabas na Tunay na Buhay, inamin ni Gina na nagkaroon siya ng masamang bisy0 sa kalagitnaan ng kasikatan na mayroon siya noon.

Ani ng award-winning actress,

"Yung akin naman na b𝔦syo na yun, actually hindi naman ganun ka bisyo na adik na adik na akong ganun. Yung akin lang gusto kong tumik𝔦m, eh nadali ako sa tik𝔦m kaya ng𝔞yon maingat na ako. Dun ako nadali patikim tikim na ganun."


Tinulungan lamang siya ng kaniyang pamilya upang magbagong buhay at itigil ang kaniyang mga masasamang bisy0. Ngayon ay 71 taong gulang na si Gina at aktibo din siya sa kaniyang TikTok account ngayon kung saan marami ang natutuwa sa kaniya dahil sa mga content na ginagawa niya.

Komento ng netizen na si Se-an Emerald,

"Bagets na bagets pa po kayo at hindi po kayo mukhang 71 dahil napakamasayahin niyo po. Idol na idol kayo ng aking Lola dahil bukod sa g𝔞ling niyo sa pag-arte ay magaling din kayo magpatawa."


Saad naman ni LJ Legoro,

"Walang kupas ang ganda niyo Ms. Gina humahataw parin ang star ng 60's. Sabi ng mama ko nakita ka na daw sa personal noon at gandang ganda siya sayo at bait pa. Pag nagpo-portray ka ng role masyadong natural acting niyo po, kumbaga busog na busog yung manonood."

No comments