Featured Post

Ganito Pala Tratuhin Ng Pamilya Ni Mygz Molino Si Mahal


Nababalot pa din ng lungkot ang mundo ng showbiz sa biglaang p4gpan4w ng komedyanteng si Mahal, o Noemi Tesorero sa tunay na buhay, nitong Martes lamang, August 31, 2021.

Ayon sa kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero, binaw1an ng buhay ang comedy actress dahil sa Gastro illness at C0VID sa isang ospital sa Batangas.

Samantala, ang matalik na kaibigan ni Mahal at partner niya sa kaniyang vlog na si Mygz Molino ay tahimik pa din hanggang ngayon tungkol sa p4gkawala ni Mahal.


Ayon sa lumabas na balita, tanggap na ng pamilya ni Mahal ang p4gpanaw nito. Subalit may ilan pa din na pilit sinsisi si Mygz sa nangyari kay Mahal. Saad ng ilan, kung hindi umano sinasama ni Mygz si Mahal sa kanilang pagvo-vlog sa labas ng walang suot na face mask at faceshield ay maaaring hindi nakuha ng komedyante ang nasabing v1rus na naging sanhi ng kaniyang maagang pagp4naw.

Nakadagdag pa dito ang paghikayat ni Mygz kay Mahal na sa bahay na nila sa Batangas manirahan ang aktres kung saan niya nakuha ang s4kit.


Saad pa ng ilang kaanak ay hindi kaagad pinaalam sa kanila na may iniinda na palang s4kit si Mahal. Nalaman na lamang nila ito nang tuluyan ng pum4naw ang komedyante.

Ani Irene,

"Wala ng sisihan pa. Sigurado naman na hindi din ginusto ni Mygz ang nangyari kay Mahal."

Samantala, nagsalita na ang pamilya ni Mygz tungkol sa p4gpanaw ni Mahal. Labis din ang kanilang kalungkutan lalo pa at pamilya na ang turing nila dito. 

Ayon sa kapatid na babae ni Mygz,

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na ang laging sumisigaw ng "Ne!ne!ne!" ay wala na, Salamat sa kulitan, sa tawanan, sa kalokohan , You will always be in our hearts, Mahal ka namin!"

Makikita din sa mga video na ibinahagi nito kung gaano sila kalapit ni Mahal sa isa't isa.

Samantala, ang pamangkin naman ni Mygz na si Christian ay nagpaabot din ng madamdaming mensahe kay Mahal. Sila ang laging kasa-kasama nina Mygz at Mahal sa kanilang mga vlogs at lokohan.

No comments