Featured Post

Ganito Pala Kayaman Ang Boyfriend Ngayon Ni Bea Alonso Na Si Dominic Roque


Ipinanganak si Dominic Karl Manalo Roque noong July 20, 1990 sa probinsya ng Cavite. Dito siya pinalaki ng kaniyang mga magulang kasama ang kaniyang kapatid. Ang kaniyang ama ay isang businessman samantala ang ina naman nito ay isang company president. Ang kaniyang ama ay may kapatid na pumasok sa showbiz at ito ay ang aktres na si Beth Tamayo.

Nagtapos ng high school si Dominic sa Imus Institute noong 2007 at pumasok naman ito sa kolehiyo sa De Salle College of Saint Benilde kung saan siya nakapagtapos sa kurong Tourism. 

Bago pasukin ni Dominic ang mainstream showbiz, nagsimula muna ito sa pagmomodelo. Naging endorser din siya ng iba't ibang kumpanya bago ito nagdesisyon na sumabak sa acting.


Simula 2008 siya ay modelo ng Cosmopolitan talent agency na nagbigay ng pagkakataon para makatrabaho ang isang clothing brand. Siya ngayon ay nasa ilalim ng pamamahala ng Cornerstone Entertainment kasama ang Star Magic.

Taong 2010 nang simulan ni Dominic ang kaniyang acting career nang siya ay nabigyan ng proyekto sa ABS-CBN soap opera na "Habang May Buhay" kasama sina Judy Ann Santos, Gladys Reyes, Derek Ramsay, at Joem Bascon. Kinalaunan ay nabigyan siya ng pagkakataon para gumanap sa isang major role. Ito ay sa teleseryeng "Aryana" noong 2012 at naging kapareha niya ang aktres na si Ella Cruz. Nang matapos ang nasabing serye, ginawa naman niya ang afternoon drama series na "May Isang Pangarap" at dito ay naging katambal niya ang aktres na si Erin Ocampo.


June 2013 nang lumabas siya sa kaniyang unang pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival na "Pagpag: Siyam na Buhay" kung saan nakasama niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Matapos nito ay maraming mga proyekto ang naibigay kay Dominic na nagpakita sa kahusayan niya sa pag-arte. Napasama siya sa cast ng mga seryeng "Moon Of Desire", "Sana Bukas Pa Ang Kahapon", "Pangako Sa'yo", "Langit Lupa", "FPJ's Ang Probinsyano", "La Luna Sangre", at "Pamilya Ko." Nagkaroon din si Dominic ng pagkakataon na lumabas sa sitcom na "Home Sweetie Home". May ilang pelikula din itong nagawa matapos ang kaniyang debut film noong 2013. Kasama siya sa cast ng "Crazy Beautiful You" ng KathNiel at "My Ex And Whys" ng LizQuen. Ginawa din niya ang dalawa pang horro films na "Seklusyon" na 2016 entry sa Metro Manila Film Festival sa ilalim ng Reality Entertainment at "Spirit of the Glass 2: The Haunted".

Subalit alam ba ninyo na ang unang trabaho ni Dominic bago ang pag-aartista ay ang pagtitinda ng baked goods? Naging side job niya ang paglalako ng mga cakes kung saan nagkaroon ito ng iba't ibang mga kliyente. Sa isang interview noong 2019, ikinuwento ni Dominic na nagbebenta siya ng cakes sa mga kakilala niya. Dito niya nakilala ang batang si Julia Barretto na 12-year-old lamang noong panahong iyon. Bago lumipas sina Marjorie ng tahanan, madalas magpunta ang aktor sa lugar nila upang magpatikim ng mga cakes na ibinebenta niya.


Inalala ni Dominic noong baguhan pa lamang siya sa showbiz kung paano sila nagkakilala ni Julia na hindi na maalala ng aktres dahil bata pa ito noon. Hanggang sa naging maganda ang kanilang relasyon at naging magkaibigan. Si Dominic din daw ang naging takbuhan ni Julia noon kapag ito ay may problema o di kaya ay nangangailangan ng advice. Nang magdiwang ng kaniyang 18th birthday si Julia, isa din si Dominic sa mga 18 roses ng dalaga. 

Naging matalik din nitong kaibigan ang KathNiel dahil sa ilang proyekto na kanilang ginawa noon. Kasama si Dominic sa grupo ng mga showbiz friends na kung tawagin ay "Nguya Squad". Tinawag nila ang kanilang grupo na "Nguya Squad" dahil lahat ng mga kasama nila dito ay mahilig sa pagkain. Ang mga celebrities na kasali sa grupo ay sina Ria Atayde, Marco Gumabao, Joe Vargas, Patrick Sugui, Ariel Garcia, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, at Bianca Yanga. Sa kanilang grupo, nabansagang third wheel si Dominic dahil siya ang madalas na kasama ng KathNiel at iba pang couple friends kapag sila ay lumalabas. Single kasi at walang partner noon ang aktor.


Malapit din si Dominic sa pamilya ng aktres na si Judy Ann Santos dahil matalik na kaibigan ni Juday ang tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo. Itinuturing na din ni Dominic na parang kapatid ang mga anak ni Juday dahil sa kanilang pagiging malapit. Ikalawang magulang na din ang tingin niya kila Juday at Ryan Agoncillo kaya naman kapag may special na okasyon ay present si Dominic sa mga ito.

Minsan na din itong na-link sa aktres na si Ria Atayde. Subalit giit ni Ria na magkaibigan lamang sila ni Dom. Ang tiyahin ni Dominic na si Beth ay kaibigang matalik din ng ina ni Ria na si Sylvia Sanchez. Marami kasi ang naglalagay ng kulay sa kanilang pagiging magkaibigan noon. Magpinsan at magkapatid na din ang turingan nilang dalawa.

Family-oriented kung maituturing si Dominic. Hindi man ito nagiging bukas na pag-usapan ang tungkol sa pamilya para sa kanilang privacy, isa sa mahahalagang okasyon sa kaniyang buhay ay ang pagsasama sama ng kaniyang pamilya. Tulad na lamang ng ipagdiwang nila ang Pasko noong 2015 kung saan magkakasama silang lahat pati na din ang pamilya ng kaniyang best friend na nagpunta out of town. Home cooked meals ang kanilang pinagsaluhan na siyang inihanda ng kaniyang ina at ina ng kaniyang kaibigan. Mahalaga ang pamilya para kay Dominic kaya tinitiyak niya na magkaroon ng oras para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Ibinahagi naman ni Dominic sa publiko ang longtime passion niya sa motor sports. Noong 2017 nga ay ginanap ang Toyota Vios Cup Season 4 na ginawa sa Clark International Speedway kung saan nakapag-uwi ng trophy ang aktor. Ayon sa lumabas na artikulo ukol sa nasabing race, tila hindi nahirapan ang aktor na mag-adjust sa 4-wheel drive. 

Nagsimula si Dominic sa motorcycle racing noong 2015 at sinabi niya na ibang adrenaline ang naibibigay ng racing sa kaniya. Subalit ang aksidente na maaari niyang matamo sa pagkarera ay hindi naangkop sa kaniyang trabaho bilang isang artist. Kaya naman lumipat siya sa car racing na mas ligtas kaysa sa motor. Napasok siya sa racing dahil sa sobrang pagkahilig niya sa motor. Ngunit nang kinailangan niyang mamili ng papasuking race, kotse na lamang ang pinili ng aktor. Ang pagmomotor ani Dominic ay ginagawa pa din naman niya kapag ito ay nagpupunta out of town. 

Dagdag pa ng aktor, inabangan niya ang araw na makakalaban ang aktor na si Matteo Guidicelli. Nangyari nga ito sa Formula V1 Race noong 2019. Alam niya kasi na competitive si Matteo dahil nanggaling na ito sa Go Kart Racing noon. Ang Formula V1 Racing ay isang intermediate level motor sport kung saan nagmamaneho ang mga racers ng single seat kit car na binuo ng West Racing Cars Company Limited sa Japan. 

Ani Dominic, ito ang kaniyang naging next step mula sa Vios Cup Race na sinalihan niya noon. Isang Petroleum company naman ang nagbigay sa kaniya ng pagkakataon na magkarera muli. Ito din ang kumpanya kung saan siya ang brand ambassador. Simula nang lumaban ito sa mga karera, suportado na siya ng nasabing petroleum company. Malaki naman ang pasasalamat ni Dominic sa kumpanya dahil sa tiwalang ibinigay nila sa aktor kaya naman nagpatuloy ang kanilang partnership.

Maliban sa hilig nito sa motor racing, may iba ding sport na kinahihiligan ang aktor. Ito ay ang badminton, boxing, circuit training, swimming, at biking. 

Sa kabuuan ng showbiz career ni Dominic na maraming proyekto ang nagawa, tinatayang may mahigit ilang milyon na din ang net worth ng aktor. Masasabing malaki ang naipon nito para sa kaniyang kinabukasan. Mula sa pagmomodelo, paggawa ng teleserye, paglabas sa mga pelikula, pagiging brand endorser, maituturing na mayaman ang aktor dahil na din sa kaniyang pagsusumikap. Maliban pa dito ang impormasyon sa pagiging businessman ng kaniyang ama at Presidente naman ng isang kumpanya ang kaniyang ina.

Lumaki man siya na mayaman o may kaya sa buhay, pilit pa din na pinagsusumikapan ni Dominic ang mga nais nitong bilhin kagaya ng kaniyang dream car na ipinost niya sa kaniyang social media account. Makikita dito ang isang Mercede G500 4x4 squared SUV at ayon sa mga impormasyon na lumabas sa nasabing modelo ng sasakyan, nagkakahalaga ito ng halos $225,925 o humigit kumulang P11 million.

Sa ngayon nga ang binansagang "Pambansang Thirdwheel" ng kaniyang mga kaibigan ay hindi na nag-iisa sa buhay. Nakahanap na kasi ito ng pag-ibig sa aktres na si Bea Alonzo.

Ang naibalita naman na diumano'y alitan sa pagitan nila ng kaibigan na si Daniel Padilla ay hindi pa nakukumpirma ang katotohanan. Mga haka haka lamang ang lumalabas na balita na isinasangkot na din ang kapatid ni Daniel. Ikinagulat naman ito ng manager na si Ogie Diaz at sinabing lalabas din ang rason kung bakit sila nagkaroon ng tampuhan.

Samantala, sa pagbabalik ni Dominic sa bansa matapos ang bakasyon kasama ang girlfriend na si Bea, marami ang natuwa sa kanilang estado at pag-amin sa kanilang relasyon. Magkasama sa Amerika ang dalawa na dumalo sa baby shower ng aktres at tita ni Dominic na si Beth Tamayo. Sa nasabing bansa din sila nag-celebrate ng 31st birthday ng actor. 

Bago pumasok sa isang relasyon ang dalawa, ikinwento ni Bea na matagal na silang magkakilala ni Dominic. Sa tagal ng kanilang pinagsamahan bilang magkaibigan, nalaman at nadiskubre ng aktres ang tunay na pagkatao ni Dominic at sinabi na ito ay isang mabuting tao. Na-appreciate din nito ang pagiging honest at pagbibigay halaga sa kaniya ng aktor.

Inamin nilang dalawa ang kanilang relasyon matapos ang mahabang spekulasyon ng publiko sa kanilang dalawa. Ayon kay Bea, hindi niya itinago ang relasyon kay Dominic. Tiniyak lamang niyang mabuti kung saan mapupunta ang relasyong iyon bago niya sabihin na may bago na siyang minamahal.

Masaya naman silang dalawa dahil suportado ng kanilang pamilya ang kanilang relasyon. Hindi maaaring maikumpara ang yaman na mayroon ang aktres na si Bea sa yaman ng aktor na si Dominic. Matagal na sa entertainment industry si Bea kaya naman malaki na ang naipon nito mula sa kaniyang kinita sa paggawa ng serye, pelikula, at ibang endorsements. Si Dominic naman, kahit mayaman na maituturing ang kaniyang pamilya ay nais pa din niya na kumita ng sarili niyang pera mula sa kaniyang pagiging isang artista. 

Ang mahalaga ay marunong magtrabaho si Dominic para sa kaniyang kinabukasan. Hindi ito masasabihan na umaasa lamang sa kung ano ang mayroon ang kaniyang pamilya. Maganda ang disposisyon nito sa buhay at paninindigan. Kung nais nitong magkaroon ng isang bagay, pagsusumikapan niya ito hangga't sa kaniyang makakaya.

No comments