Featured Post

Dating Girlfriend At Kinakasama Ni Jovit Baldivino, Nakatangay Umano Ng Mahigit Na P10-M


Si Shara Chavez o mas kilala na ngayon sa tawag na Shara Cruzat ay naging matunog sa social media dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng dating kinakasama at PGT grandwinner na si Jovit Baldivino. 

Noong kasagsagan ng isyu, tila labis na kahirapan ang pinagdaanan ni Shara kasama ang kanilang anak ni Jovit na ngayon ay limang taong gulang na. Ngunit sa halip na magmukmok lamang, mas nagsumikap at nagsipag si Shara para maitaguyod ang kaniyang pamilya at bumo ng sariling kumpanya na tinawag niyang SC Cosmetics.

May mga pag-aari din siyang mga beauty spa at nakapundar ng mga sasakyan dahil na din sa kaniyang sipag at tiyaga. Kalaunan ay lumaki ang kaniyang kumpanya at naghikayat ng mga investor upang kumita diumano katulad niya. Isa na dito si Jerome kasama ang dalawa pa sa walong libong naloko o mai-c4m umano ng kumpanya ni Shara.


Sa progamang Asintado nina Jigo Pistolero at Atty. Claire Castro, dumulog sina Jerome, Ace at Mae upang ireklamo si Shara at kasosyo nito na nagngangalang Angel na siyang nagpapatakbo ng SCET Corporation.

Reklamo nila, wala daw kasing naging payout ang kanilang milyong-milyong investment sa magkasosyo. Batay kasi sa SC Investment programa ni Shara at kasosyo nito, 100% ang balik ng kapital, at dodoble pa, sa loob lang ng anim na buwan.


Ani Jerome, mas na-enganyo pa ang marami nang sabihin sa kanila na gagawin na lamang six months ang kontrata para sa investment na noon ay isang taon. Ayon sa kaniya, na-engganyo siya na mag-invest sa kumpanya ni Shara dahil sa mga positivie reviews na nakikita niya.

Aniya, malaki din ang ipinresentang return on investment sa kaniya kaya tuluyan siyang napakagat dito. Dagdag pa diyan ang pagiging ex-girlfriend ni Shara kay Jovit kaya hindi siya nagdalawang isip na mag tiwala dito.


Sinabi pa ni Jerome na may ipinakita si Shara sa kanila na mga papeles na nagpapatunay na legal ang investment na kanilang ginagawa.

Ngunit laking gulat na lamang niya na peke lang pala ang ilan sa mga dokumento matapos niya itong ng kumpirmahin sa FDA. Ang tanging naka rehistro lamang umano sa kanilang kumpanya ay retail at wholesale lang o pagbebenta lang at hindi pangongolekta ng pera.

Ipinakita pa ni Jerome ang halimbawa ng package ng nasabing invesment. Umabot umano sa kalahating milyon ang na-invest ni Jerome sa nasabing kumpanya.

Inamin naman ni Jerome na nagkamali siya dahil hindi niya ni-research at pinag-aralang mabuti ang pinapasok niyang investments. 

Sa kabuuan, umabot sa mahigit sampung milyon ang nakuha umano ni Shara sa kaniyang walong libong investor. Sa huli, umaasa pa din ang marami sa mga nag-invest at nagtiwala kay Shara na ibalik ang kanilang pinaghirapang pera.

No comments