Featured Post

Dance Video Nina Tony Labrusca At Raymond Gutierrez Sa TikTok, Nahaharap Ngayon Sa Kontrobersiya


Muli na namang nahaharap sa kontrobersiya ang aktor na si Tony Labrusca dahil sa isyu tungkol sa kaniyang s3xual preference. Ito ay matapos kumalat sa social media ang TikTok video nila ni Raymond Gutierrez na isang proud member ng LGBTQIA+ community.

Noon pa man ay marami na ang nagsasabi tungkol sa gender preference ni Tony ngunit nanatiling tikom ang bibig ng aktor tungkol dito. Nauna nang nabalita na b4kla umano si Tony matapos ma-link sa aktor na si Alex Diaz na umamin na isang bis3xual. 

Si Tony ay tinatawag ngayon ng karamihan bilang universal leading man dahil bagay siya sa mga female star na nakakasama niya kagaya nina Julia Barretto, Barbie Imperial, Lovi Poe, Heave Peralejo, Angel Aquino, at kahit ang komedyanteng si Alora Sasam.

Samantala, maraming netizens naman ang kaagad na dumepensa kay Tony sa nasabing video nila ni Raymond at sinabi na huwag mag-base sa video dahil ang dalawa ay matalik lamang na magkaibigan. Saad pa ng ilan na hindi porke't close ang dalawa ay mayroon ng special relationship na namamagitan sa kanila.

Nagbigay din ng opinyon tungkol dito si Ogie Diaz kasama sina Tita Jegs at Mama Loi sa YouTube channel ni Ogie na Showbiz Update.

Saad ni Mama Loi ay masyado daw touchy si Raymond kay Toni sa kanilang dance video sa TikTok at kapansin-pansin din umano ang kakaibang closeness at sweetness ng dalawa.

Tanong ni Ogie,

“E, ano naman ngayon kung sweet?  So, pag tayo Loi ganyan pagdududahan din tayo ng mga tao?”

Paliwanag naman ni Mama Loi,

“E, alam naman nilang pareho tayong girl!  E, ‘yung dalawa, ‘yung isa (Raymond) pa lang naman ang umamin. ‘Yung isa wala namang inaamin.”

Tanong muli ni Ogie, "Hinihintay mo lang?"

Natatawang sagot naman ni Mama Loi, "Wala akong sinabi, ah?"

Dagdag pa niya,

“Hindi kasi di ba, ang tagal-tagal ng napapabalita (huwag kang mainip, singit ni Ogie). Kung hindi man siya (Tony) kapatid sa pananampalataya, o, e di mas lalong ano nakakakilig siyempre kasi di ba, bet natin mga cute macho.”

Sambit naman ni Ogie,

“Pero alam mo, ang dami-daming may type kay Tony Labrusca kahit ‘yung mga bading type siya, mga babae, mga matrona type si Tony.”

Balik tanong sa kaniya ni Mama Loi, "Type mo ba si Tony?"

Tanging facial expression lamang ang isinagot dito ni Ogie. Sinabi din niya na limang taong gulang pa lamang ang aktor ay nakilala na niya ito dahil anak ito ni Boom Labrusca na naging talent niya noon.

Pag-alala ng talent manager-comedian,

“Alam mo ‘yang si Tony, five years old palang, e, nakita ko na ‘yan kasi kaibigan ko ‘yung daddy niya si Boom.  Kasi nu’ng inimbita ako noong 90’s sa pa-fiesta ni Boom sa Pasay, nandoon ‘yung bata. Sabi nga nila Loi, kung ayaw pa, huwag huwag pilitin, di ba?”

Mabilis na sambit ni Mama Loi, "Tama! At saka kung sila na nga (Raymond and Tony), e, ano naman ngayon? Love wins, di ba?"

Saad naman ni Ogie,

“Puwede rin namang ganu’n, pero ‘yung pipilitin nating umamin ang isang tao kung may aaminin or wala, e, ‘wag nating pilitin.  Hayaan natin siya na isa sa mga araw na ito.”

Hirit ni Tita Jegs, "Aamin din yan!"

Sambit ni Ogie,

“Ano ba!  Maku-quote na naman ako. Maba-bash na naman ako ng fans. Hayaan natin sila baka nag-e-enjoy lang sila dahil magkaibigan sila.”

Ani Loi, "Ako'y kinikilig kasi ang sweet ng video."

Katwiran ni Ogie, "Basa mo lang 'yun malay mo naman magkaibigan talaga sila."

No comments