Featured Post

Kasintahan Ni Mahal Na Si Mygz Molino, Sinisisi Sa Pagk4wala Ng Komedyante


Naging mas4kit para sa mga fans at supporters ni Mahal ang biglaang pagp4naw nito. Kasabay nga ng hinagpis ay ang paninisi sa kaniyang rumored boyfriend na si Mygz Molino.

Ayon sa source, ang ilang kamag-anak ni Mahal ay mayroong sama ng loob sa nasabing YouTuber dahil hindi daw nito iningatan ang kaniyang partner na si Mahal. Sana man lamang daw ay ipinagliban muna nila ang content sa YouTube kung saan dinalaw nila ang dating ka love team ni Mahal na si Mura.

Isang linggo na ang nakakalipas nang mag-post ng isang video clip si Mygz kung saan makikita na nasa probinsya sila ng Albay sa Bicol region. Nang mapanood umano ito ng ibang kamag-anak ni Mahal ay kaagad nilang kinausap ang napapablitang karelasyon ng komedyante at live in partner na si Mygz upang pagsabihan na itigil na muna ang ginagawang shoot doon dahil sa banta ng C0VID-19. 


Ayon sa mga ito, hindi daw ganoon kataas ang resistensya ng nasabing komedyante at may mga underlying conditions pa ito. 

Ngunit ayon sa ilang source ay inabisuhan naman ni Mahal ang kaniyang pamilya na ligtas sila sa nasabing probinsya dahil mababa lamang daw ang case ng C0VID-19 doon at nag-negative din silang lahat sa swab test bago pumunta sa nasabing lugar.


Giit din ni Mygz na kagustuhan daw mismo ni Mahal ang puntahan ang kaniyang dating ka love team upang magbigay ng tulong pinansyal at mapasaya ito dahil na din sa video na nag-viral kamakailan.

Nagsimula ito noong mag-viral ang vlog ng isang YouTuber na si Virgelyncares 2.0 Official kung saan ipinakita nito ang nakakalungkot na kalagayan ng buhay ni Mura sa Albay. Ngayon ay nagsasaka na lamang si Mura at tinutulungan sa probinsya ang kaniyang mga kamag-anak. Malayong malayo sa nakasanayang buhay niya sa mundo ng showbiz.

 

Umabot sa 2 million views ang video na ito kaya naman nang makarating ang balitang ito kina Mahal at Mygz ay nagpasya silang bumisita kay Mura.

Hindi naman daw akalain ni Mygz na mahahawa ng sakit si Mahal sa lugar na iyon dahil malayo sa kabihasnan at nasa gitna ng bukiran at magkakalayo din daw ang bahay dito. Ngunit huli na ang lahat nang umuwi sila sa Batangas at napag-alaman nila na may sintomas na ng sakit si Mahal.


Pahayag ng kapatid ni Mahal,

"Nasa Batangas siya, kay Mygz. Nandoon na sa Batangas ang kapatid ko na si Lany. Nang tawagan nila ako, nasa ospital na si Mahal. "Nam4tay siya kaninang alas-kwatro. May C0vid siya at Gastr0. Meron din siyang pre-existing condition, may high blood pressure. Naibalita saming nagka-pneumonia din siya."

Dagdag pa niya,

"Sa edad niya saka sa dwarfism niya, so far, talagang nasa high risk na siya ng C0vid. Kanina lang nalaman na may C0vid siya, hindi napa-test. Sabi ko sa kapatid ko, kay Lany, 'Wala nang sumbatan, iuwi mo na si Mahal sa atin. Kamam4tay lang ng tatay namin, dalawa na ang ililibing ko. Yung abo ni Papa, nasa bahay pa tapos ngayon, si Mahal."

"Kailangan siyang i-cremate and then later, we will post yung wake niya kasi ang dami nagre-request na magpaalam sa kaniya. Lagi kaming nag-uusap ni Mahal pero last few days, hindi siya nagsabi na may sakit. Lahat sila itinago sa amin na may s4kit si Mahal. Kanina lang sinabi nung malala na yung kalagayan ng kapatid ko. Kaya sabi ko, wala nang sumbatan. Iuwi na lang sa amin si Mahal. Nahihirapan ako kasi hindi ako makauwi sa Pinas nandito ako sa Cleveland, Ohio."

Hanggang sa ngayon ay masama pa din umano ang loob ng ilang mga kamag-anak ng nasabing komedyante dahil malinaw naman daw kay Mygz na may condition si Mahal at high risk siya na mahawa ng mabilis sa panahon ng pand3miya. Ngunit ang panalangin na lamang ng kapatid Mahal na si Irene ay magkaroon ng tahimik na pagpapaalam sa kaniyang kapatid na si Mahal.

Wala pa namang inilalabas na pahayag si Mygz tungkol sa alegasyon na ibinabato laban sa kaniya.

No comments