Featured Post

Babaeng Iniwan Ang Kaniyang Aso Para Bantayan At Samahan Ang Kaniyang Anak, Nagulat Sa Kaniyang Naabutan


Isang mag-asawa ang nag-alaga ng isang German Shepherd na tuta, at pinangalanan nila itong Lucas. Masaya sila at mahal na mahal ang aso dahil sa pagiging matapat at malambing nito sa kanila hanggang sa lumaki ito. Mabait at maasahan si Lucas, iyon ang pagkakakilala nila sa asong ito sa mahabang panahon.

Itinuring nilang anak si Lucas lalo na noong wala pa silang anak. Nagsilbing kaligayahan ng mag-asawa ang aso. Makalipas ang ilang taon ay biniyayaan naman sila ng isang anak na babae. Pero dahil may trabaho pareho ang mag-asawa, ang lola ng bata ang nag-aalaga dito. At siyempre, katulong din sa pag-aalaga ang asong si Lucas.

Ang pamilya ay nakatira sa isang apartment. Doon ay inaalagaan ng lola ang bata at doon din sila madalas naglalaro ng asong si Lucas. Isang araw ay nagkasakit ang Lola ng bata kung kaya't ang ina niya ang nag-aalaga dito. Napilitan siyang lumiban sa kaniyang trabaho para maalagaan ang kaniyang anak.


Sa pagkakataong iyon, lumabas ang ina ng bata upang bumili ng kanilang pagkain at iniwan ang kaniyang anak sa apartment habang natutulog ito kasama ang alagang aso. Saad niya ay mabilis lang naman siya at agad ding babalik dito.

Nang makalabas na ang babae, nakita niya ang kaniyang kapatid na medyo matagal na din niyang hindi nakikita. Nalibang naman ang dalawa sa pagkukwentuhan. Hindi alam ng babae na ang panganib na kinakaharap ng kaniyang anak na iniwan niya sa apartment kasama ang aso. 


Maya-maya lamang ay may mga lalaking dumating at pumunta sa apartment na kinaroroonan ng bata. Nakasuot sila ng pang-construction na damit at parang may aayusin sa loob ng apartment. Kumatok sila sa pinto ngunit walang sumasagot. Sinubukan nilang buksan ang pinto ngunit biglang may narinig silang boses ng isang bata.

Tinanong nila kung sino ang kasama nito sa loob. Sumagot ang bata at sinabing hindi niya kasama ang kaniyang nanay at tatay. Hindi din niya alam kung kailan babalik ang mga ito. Sinabi din ng bata na dalawa lang sila ng kaniyang kapatid na naiwan sa apartment ngunit natutulog aniya ang kaniyang kapatid na si Lucas sa loob. Hindi niya sinabi na ang aso pala ang tinutukoy niyang kapatid.


Inutusan ng lalaki ang bata na buksan ang pinto ngunit ayaw ng bata dahil bilin ng kaniyang magulang na huwag magpapapasok ng hindi niya kilala. Sinabi ng lalaki na may kailangan lang silang gawin sa loob at may iiwan silang bagay para sa kaniyang mga magulang at aalis din kaagad sila.

Pero hindi pa din binuksan ng bata ang pinto kung kaya't sinubukan ng mga ito na sila na lang ang magbukas ng pinto upang gawin ang kanilang kailangang gawin sa loob. Nang makapasok na sa loob ang mga lalaki, kaagad nilang nakita ang bata at takot na takot ito. 


Isang sandali lamang ay tumambad sa kanila ang isang 6-year-old German Shepherd. Pumunta ang aso sa harap ng bata at hinarangan ito. Sinubukan ng isa sa kanila na lapitan ang aso ngunit inatake siya nito. Nagsisigaw ang lalaki at sinubukan ng iba niyang kasama na tulungan ito. Ngunit hindi nila mapigilan ang aso.

Narinig ng mga kapitbahay ang ingay at kaagad na pumasok sa isip nila na may masamang nangyayari sa loob kung kaya naman tumawag kaagad sila ng pulis. Napuruhan ang isa at nangailangan dalhin sa ospital. Ang iba naman ay naaresto kaagad ng mga pulis sa tangkang pagnanakaw. May mga magnanakaw na hindi lamang basta nagnanakaw bagkus kumikit1l pa ito ng buhay. Ngunit hindi nila nagawa ang kanilang plano dahil sa aso na naging instrumento sa kaligtasan ng bata.


Walang kamalay-malay ang ina ng bata na ito pala ang aabutan niya pagdating sa kanilang bahay. Ang mga bakas na ito ay tanda ng pagliligtas ng aso sa kanilang anak.

No comments