Featured Post

Anak, Naging Emosyonal Matapos Malaman Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Sumasabay Ang Kanilang Ama Sa Hapunan


Lahat ng bagay ay kayang isakripisyo ng ama para sa kanilang pamilya upang mabigyan lamang sila ng maayos at komportableng buhay. Kagaya na lamang ng ama na ito na tampok sa isang video na nag-viral sa social media kamakailan lamang. 

Makikita sa nasabing video na palihim na kumakain ang ama ng dis oras ng gabi. Kaya naman labis na nagulat ang kaniyang anak na kaya pala hindi ito sumasabay sa kanila kumain tuwing hapunan ay dahil sa hating gabi ito kumakain.

Ayon sa post ng netizen na si Aldi Relqno, madalas umanong sinasabi ng kanilang ama na busog pa ito kaya hindi ito madalas na sumasabay sa hapunan nila. Ito ay para ibigay na lamang din sa kaniyang mga anak ang ulam. Kaya naman laking gulat na lamang niya ng madiskubre na ito ay bumabangon pala ng hating gabi para kumain. Ngunit ang mas nakakagulat dito ay tanging sibuyas at bagoong lamang ang inuulam nito.


Ayon pa sa kaniya, naaksidente ang kaniyang ama noong Marso 18, 2021 kaya naman ito ay nahihirapan ng kumilos ng maayos. Ngunit kahit nahihirapan na ay hindi pa din ito ipinakita sa kanila ng kanilang ama.

Saad pa ni Aldi ay kinailangan din niya na tumigil sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera dahil hindi na makapagtrabaho ng maayos ang kaniyang ama dahil sa aks1dente na nangyari dito. 


Naapektuhan kasi ang kanang kamay nito at imposible na makabalik pa ito sa trabaho bilang isang OFW kaya naman nananawagan ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo in Action.

Narito ang kabuuang post:

"Ang Tatay kong Palihim kung Kumain."

Ganito pala ginagawa ni papa pag tulog na kami, Kumakain sya ng hating gabi. Tuwing hapunan Hindi sya sumasabay saamin, laging tapos na o busog pa daw. Kaya pag kakain na kami sya lang wala, Yun pala sa gabi sya Kumakain. Dahil pinapaubaya nalang saamin ang ulam, Laging syang bumabangon tuwing ganitong oras hinahayaan ko pero nakaraang gabi sinundan ko sya na hindi alam. 

Tumulo luha ko nung Nakita ko sya na Kumakain na Ang ulam ay BAGOONG AT SIBUYAS kinuhanan ko ng video ng hindi nya alam para I post ko sa FB si papa Kasi nasagasahan ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kaso Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid 

sana po tulungan nyo ako na iparating Kay sir RAFFY TULFO Ang problema ng aking tatay sobrang naawa napo ako sa tatay ko. ako man din ay Hindi na Makapag enrol s college dahil walang pera Hindi Makapag trabaho si papa. Hindi na ako naka pag-enroll dahil sa aksidente na nangyari sa tatay ko Isa po syang OFW Ngayon Malabo na sya makabalik dahil BALI ANG KANYANG KANANG KAMAY.  Maraming salamat po sana ay matulungan nyo po kami na makarating Kay sir RAFFY TULFO, Na ang hangad po namin ay hustisya, yun lang po.

No comments