Featured Post

Aktor Na Si Paulo Avelino, Hindi Napigilan Mapamura Matapos Makita Ang Kaniyang Face Changer Video


Usong uso ngayon sa iba't ibang mga social media platforms ang face changer app kung saan maaaring ilagay ang mukha ng kahit sino para siya ay maging kamukha talaga ng nasabing video.

At kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang video ng Kapamilya young star na si Andrea Brillantes habang sumasayaw. Ang nasabing video ni Andrea ang ginamit para sa face changer app.

Ang mga netizens ay may kani-kaniya pang mga entry para sa kanilang mga edited videos. Maging ang mga paborito nilang celebrities ay ginawan din nila ng ganito.


Syempre hindi naman nakaligtas sa video editing trend na ito ang aktor na si Paulo Avelino. Marami ang nag-tag sa kaniya sa video na ginawa ng isa sa kaniyang mga tagahanga kung saan makikita ang hitsura ni Paulo kapag siya ay naging babae. Makikita din sa video na bagay na bagay sa aktor ang paggiling nito sa video.

Kaya naman hindi napigilan ni Paulo na mapamura matapos mapanood ang kaniyang face changer video na gawa ng kaniyang tagahanga. Mabilis na kumalat sa Twitter at maging sa iba pang mga social media platforms ang nasabing video at sa halos lahat ng mga komento sa comments section ng video ay iisa lang ang sinasabi: "Pakagandang babae ni Paulo!"


Samantala, marami naman sa mga netizens ang hindi din napigilan na matawa sa nakakagili na reaksyon ng aktor mula sa kaniyang video.

Narito ang ilang komento mula sa online community:

“Ahahaahaha ganda mo nga Pau! Hahaha”

“Bat naging kamuka ni Sam Concepcion?”

“ganda mo naman paulinaaa. HAHAHAHAHAHAHA sorry na agad kuya”

“Hala kabog ang ganda mo Paulo hahaha”

"Haahahahahahhaa so pretty mo po. How to be you po?"


May isa ding tagahanga na ikinumpara ang nakaraang larawan ni Paulo na nakapang-bahay lamang sa kaniyang edited video. At syempre, muli na naman itong kinagiliwan ng mga netizens.

No comments