Featured Post

Vlogger Na Si Basel Manadil, Tinulungan Ang Isang Batang Lalaki Na Nangangalakal


Si Basel Manadil o mas kilala bilang The Hungry Syrian Wanderer sa kaniyang YouTube channel ay talagang hinahangaan ng marami dahil sa kaniyang kabaitan at kagandahang loob, lalo na sa mga taong nangangailangan. Marami na din siyang mga taong natulungan, lalo na noong kalagitnaan ng l0ckdown at sunod sunod na bago ang dumating sa bansa.

Ngayon ay muli na namang nagpakita ng kabutihang loob si Basel matapos tulungan ang isang batang lalaki na nakilala sa pangalan na Jan Jan na sa murang edad ay nangangalakal na ng mga bote upang makatulong sa kaniyang pamilya.

Matapos makita ang kalagayan ni Jan Jan, walang pagdadalawang isip si Basel na tulungan ito. 


Binilhan ni Basel ang batang lalaki ng mga damit, sapatos, tsinelas, at bag dahil nakita niya ang kalagayan nito na walang damit pang taas at naka-paa lamang habang nangangalakal.

Bukod dito, dinala din ni Basel si Jan Jan sa kilalang fast food chain na Jollibee sa branch nito sa isang mall. Sa nasabing video, mapapansin na itinira pa ni Jan Jan ang kaniyang pagkain na fried chicken upang ibigay sa kaniyang ina.

Samantala, hinikayat muli ni Basel si Jan Jan na bumalik sa pag-aaral. Binilhan din niya ito ng ilang mga kagamitan sa pag-aaral upang kahit papaano ay mayroon siyang babasahin o gagamitin kahit siya ay nasa bahay lamang nila. Tinuruan pa niyang magbasa ang bata habang sila ay nasa loob ng National Book Store.


Muli na namang umani ng positibong komento ang kabutihang ginawa na ito ni Basel mula sa online community.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I cried when he bought underwear for his dad and saved the chicken for his mom. He is a great kid,who wanted to help his family to put food on the table and by going back to school he will be able to help his family much more in the future. If all of us would take time to help one child, this world would be a better place."

"This is a great act of kindness. It scared me a bit that he's so trusting. I imagine some of these children fall prey to people pretending to help."

"So touching to see a compassionate man impact a child's life even for a moment. God bless you always Engr. Basel!"

No comments