Featured Post

Vlogger Na Si Basel Manadil, Tinulungan Ang Isang Sorbetero Na May Kapansanan


Ang vlogger na si Hungry Syrian Wanderer ay nakilala dahil sa kaniyang mga videos at mga vlogs kung saan tampok ang pagtulong na ginagawa niya sa ating mga kababayan, lalo na sa mga nangangailangan.

Tunay nga na napaka matulungin ng vlogger na si Basel Manadil. Hindi na din mabilang mga tao na natulungan niya sa kanilang mga pangangailangan, lalo na noong kalagitnaan ng l0ckdown at sa mga nasalanta ng sunod sunod na bagyo na dumating sa bansa.

Ngayon ay muli na namang nagpakita ng kabutihang loob si Basel matapos tulungan si Mamang Sorbetero na isa lang ang paa. Ang pagiging isang sorbetero ay hindi madaling trabaho, lalo na para kay Kuya dahil bukod sa paglalako ng paninda niya sa ilalim ng init ng araw, mahirap din para sa kaniya na bitbitin ang kaniyang paninda dahil sa kaniyang kapansanan.


Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para siya ay kumayod upang masuportahan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Kaya naman, deserve lamang niya ang tulong na ibinigay ni Basel sa kaniya. 

Maliban sa pagtulong ng butihing vlogger sa bayarin ni Kuya sa renta ng kanilang bahay, binilhan din niya ito ng mga groceries, pagkain, at supplies na malaking tulong para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.


Samantala, muli na namang nakatanggap ng paghanga at papuri mula sa mga netizens si Basel dahil sa kaniyang kagandahang loob.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"Speechless of what you have done u choose to give him help first instead to buy ur chosen tiles for ur home...u have a big heart to everyone in need...bless you more and much more....u inspire all the people u helped for sure and they will never give up in life...more power to you Mr.Basel....keepsafe po"

"Thank you again Sir Basel for your kindness to the ice cream vendor. GOD bless you on your daily activities. Good afternoon ..."

"God bless you sir Basel..your kindness to the ice cream vendor..the angel send from god.keep safe and guide you everyday."

No comments