Featured Post

Tiktok Videos Nina Ellen Adarna At Derek Ramsay, Usap-usapan Ngayon Sa Social Media


Sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang isa sa pinakakilala at kontrobersiyal na celebrity couple ngayon sa Pilipinas. Simula noong kumpirmahin ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon ay madalas na nilang ibinabahagi o ipinakita sa publiko kung gaano nila kamahal at ka-sweet sila sa isa't isa.

At kamakailan lamang nga ay muli na namang nagbigay kilig ang dalawa sa kanilang mga followers at supporters sa video nilang dalawa na ibinahagi sa social media.

Sa nasabing video, makikita ang aktres na masayang tumatakbo kay Derek. Binuhat naman kaagad ng aktor si Ellen bago sila umikot ikot.


Ang nasabing video ay kaaagd na umani ng maraming views matapos itong i-report ng 33 taong gulang na aktres sa kaniyang Instagram Stories. 

Bukod sa naturang video, may ilan pang mga TikTok videos sina Ellen at Derek na nagpapakita ng kanilang pagmamahal at affection sa isa't isa. May isa pa ngang video kung saan makikita ang kanilang 'kalog' moments. 

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Always seen Ellen laughing with Derek not seen her that way with JL. They're really compatible with same hobbies"


"I like Ms. Ellen very natural .. she's very vocal sa Kung ano at Sino sya.. soooo simple yet straight forward.. "

"I love them both. I can not get enough of them because they’re real people. They don’t care some people bashing them as long as they’re happy."

Matatandaan na nitong taon lamang ay gumawa ng ingay sa social media sina Ellen at Derek. Una ay ang mga larawan ng dalawa kung saan makikita silang magkasama sa mga pasyalan sa bansa bago pa nila aminin ang tungkol sa kanilang relasyon. 

Ang sumunod naman ay ang pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon at ang pagpo-propose ng aktor kay Ellen kamakailan lamang.

No comments