Featured Post

Sundalo Na Nakipagkita Sa Kaniyang Ka-Penpal, Nagulat Na Lamang Sa Tunay Na Katauhan Nito!


Hindi kailanman nasusukat ng estado ng buhay, edad, at panlabas na kaanyuan ang pagmamahal. Ang pinaka importante sa lahat ay tunay ang pagmamahal na ibinibigay o ipinapakita niyo sa isa't isa. 

Katulad na lamang ng sundalong ito at ng kaniyang ka-penpal. Ilang buwan na ding nagsusulatan sina Kylie at David.

Noong una, nagsimula ang dalawa sa pagiging magkaibigan. Sina Kylie at David ay lagi ding nagsusulatan dahil sa malayong lugar naka-destino si David. Hindi nagtagal ay nahulog din ang loob ng dalawa sa isa't isa. Dumating nga ang araw na plinano na nina David at Kylie ang kanilang pagkikita sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang buwan na pagsusulatan.


Excited at labis na nagagalak si David dahil makikilala at makikita na niya ang babae na matagal na niyang nakakausap online. 

Ang usapan nila ay magkikita sila sa Luneta. Kaya naman maaga pa lamang ay nakaayos at bihis na bihis na si David at naghihintay kay Kylie. Noong magkita ang dalawa, nagulat na lamang si David nang makita ang tunay na hitusra ni Kylie.


Si Kylie ay nasa 40s na. Kaya naman hindi din inakala ni David na may edad na pala ang babaeng kausap niya. Gayunpaman, kahit nagulat, pumayag pa din si David na sila ay kumain sa isang restaurant para makamusta at makausap niya si Kylie.

Habang sila ay nasa restaurant at nag-uusap, nagulat si David nang biglang lumapit sa kanilang table ang isang magandang babae.

Ngumiti ang matandang babae at ipinakilala ang magandang babae. Doon ay napag-alaman ni David na ang dalaga pala ang tunay na 'Kylie' at ang matandang babae na una niyang nakilala ay nanay pala nito.

Ayon kay Kylie, gusto niyang makita at makilala ang tunay na ugali ni David. Kaya naman naisipan niyang ilagay ito sa isang pagsubok. Noong makita niya na magalang at mabait si David kahit pa man hindi niya inaasahan na isang matandang babae ang makikilala niya, doon napagtanto ni Kylie kung gaano kabuti at kaganda ang kalooban ni David.

Kalaunan ay nagpakasal din sina David at Kylie sa isang simpleng seremonya. Sila ngayon ay masaya na kasama ang kanilang dalawang anak.

No comments