Featured Post

Robin Padilla, Nagulat Sa Ginawang Ito Ni Daniel Padilla Kay Mommy Eva


Muli na namang pinahanga ng aktor na si Daniel Padilla ang publiko dahil sa kaniyang pagiging maasikaso at maingat sa kaniyang mga mahal sa buhay. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat kung gaano ka-gentleman si Daniel, lalo na sa kaniyang mga mahal sa video. 

Sa katunayan nga niyan, kung tatanungin siya tungkol sa mga babae na importante sa kaniyang buhay, ito ay walang iba kundi ang kaniyang ina na si Karla Estrada, mga kapatid, kasintahan na si Kathryn Bernardo, at syempre ang kaniyang Lola Eva.

At ang maiksing video na ito na nag-viral sa social media ay isa lamang sa mga patunauy ng pagiging maaalalahanin, maasikaso, at maalaga ni Daniel.


Sa isang Instagram post, ibinahagi ng action star na si Robin Padilla ang isang video kung saan makikita ang maingat na pag-alalay ni Daniel sa kaniyang ina na si Eva Carino.

Ang nasabing video ay kuha sa 40th day ng pagkam4tay ni Royette Padilla. 

Nagkaroon ng party ang Padilla family sa kanilang Museo de Padilla at doon ginanap ang ika-40 araw ng pagp4naw ng kanilang minamahal na pamilya na si Royette.


Si Royette ay kapatid nina Rommel, Robin, at Rustom na ngayon ay kilala na bilang si BB Gandanghari.

Saad sa caption ng post ng action star,

"Ang Pamilya ng de Padilla. Kuya Royet Pumaroon ka man sa kabilangbuhay naipasa mo pa rin sa mga anak mo at pamangkin mo ang pag aalaga at pagmamahal sa ating mahal na ina."

Ang tinutukoy ni Robin ay ang pagpapakita ni Daniel ng pag-aalaga at pagmamahal sa kaniyang Lola Eva.

Makikita kasi sa video ang maingat na pag-alalay ng aktor sa kaniyang Lola Eva mula pag-akyat nito sa hagdanan hanggang sa paglalakad.

Samantala, muli na namang hinangaan at pinuri si Daniel ng publiko dahil sa pagiging gentleman nito.

No comments