Featured Post

OOTD Ni Jinkee Pacquiao Sa Laban Ni Manny Pacquiao, Usap-usapan Ngayon Sa Social Media


Kamakailan lamang ay naging agaw-pansin sa publiko ang OOTD ni Jinkee Pacquiao sa laban ng kaniyang asawa na si Manny Pacquiao sa Cuban professional boxer na si Yordenis Ugas.

At muli na namang naging usap-usapan sa social media kung magkano nga ba ang halaga ng kaniyang pink na kasuotan sa nasabing laban.

Sa Instagram page ng @jinkeepacquiaocloset, ipinost nito ang presyo ng lahat ng naging kasuotan ni Jinkee.

Ayon sa naturang post, ang Shelly cutout pink linen-voile mini dress na suot ng asawa ng boxing champ ay mula sa Zimmerman at nagkakahalaga ito ng $870 o tinatayang P43,530.



Samantala, ang Mini Lady Dior pink alligator bag naman ni Jinkee ay nagkakahalaga ng humigit kumulang na $9,500 hanggang $11,145 o nasa P475,000 hanggang P558,000.

Mula naman sa Tiffany and Co. ang suot na Bypass Ball 18k yellow gold bracelet ni Jinkee na ang presyo ay umaabot sa $1,950 o P97,568.28. Ang City HardWear 18k yellow gold and diamond pavee bracelet naman niya ay nagkakahalaga ng $18,500 o P925,647. Ang kwintas naman na kaniyang suot ay Jewel Box 18k yellow gold and emerald-cut pink tourmaline na mula sa Tiffany and Co. na nagkakahalaga ng P236,415.

Ang 18k rose gold diamond Serpent Boheme earrings na may rhodolite ay nagkakahalaga naman ng P227,945. Hindi pa dito kasama ang iba't ibang mga singsing na suot ni Jinkee sa mismong laban.



Ngunit kung susumahin ay aabot ng halos P2.26-M ang halaga ng buong OOTD ni Jinkee sa laban ng kaniyang mister na si Pacquiao kay Ugay.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang namangha sa presyo ng full OOTD ni Jinkee. May ilang netizens pa ang nagbiro at tinanong kung bakit nakalimutan ilagay ang presyo ng kulay pink na face mask na suot din ni Jinkee.



Kahit pa man may ilang bumabatikos, marami naman sa mga netizens ang dumedepensa kay Jinkee at sinabi na deserve lamang nito ang mga bagay na mayroon sila ngayon dahil sa kabutihan ng kanilang puso.

No comments