Featured Post

Netizen, Nanawagan Ng Tulong Para Sa Mag-amang Palaboy Laboy Sa Kalsada


Isang concerned netizen na si Reymark Ogaya Alano ang nagbahagi ng kaniyang panawagan sa Facebook page ng Dagupan Today upang humingi ng tulong sa marami para sa mag ama na kaniyang nakita sa kalsada.

Ayon kay Reymark, madalas umano niyang nakikita na natutulog lamang ang mag ama sa kalsada dahil sila ay walang tirahan o lugar na mauwian. Ang ama na lamang din ang mag isang bumubuhay sa kaniyang anak na batang lalaki dahil iniwan na sila ng kaniyang asawa.

Ang pinapaded3 lamang ng tatay sa kaniyang isang taong gulang na anak ay tubig dahil siya ay walang kakayahan na bumili ng gatas para dito. 


Labis na naawa si Reymark sa kalagayan ng mag-ama kaya naisip niyang ibahagi ang kaawa-awang kalagayan nito sa social media sa pag-asa na mas marami ang makapagpaabot ng tulong para dito.

Ayon sa isa pang concerned netizen na si Kristel Fabilane Redoblado, siya ay maaaring tawagan sa kaniyang cellphone number para sa mga nais magbigay ng tulong sa mag ama.

Narito ang kabuuang post ng Dagupan Today:

"Sa may mabubuting puso diyan, sana matulungan po niyo si tatay (taga Urdaneta Pangasinan) at ang kaniyang anak na isang taon pa lamang. Wala po silang inuuwian, madalas sa kalsada lang sila natutulog dahil iniwan daw sila ng kaniyang asawa... Tingnan ninyo dahil sobrang nakakaawa tubig lang yung dined3d3 ng bata. Please sa may mabuting puso, si Lord na bahalang magbalik kung ano man yung pwede niyo pong maitulong."


Ayon kay Reymark na taga Navotas, sa kasalukuyan umano ay nasa pangangalaga ng isang mabuting lalaki ang mag ama sa Gatchalian 1 Paranaque.

Samantala, ibinigay naman ng isa sa mga nag abot ng tulong sa mag ama na si Kristel Fabilane Redoblado ang kaniyang cellphone number na 09615554360 para sa mga nais magpa-abot ng tulong at makausap si Tatay.

No comments