Featured Post

Naaalala Niyo Pa Ba Ang Stuntman At Kontrabida Actor Na Si Telly Babasa? Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon


Naaalala niyo pa ba ang veteran stuntman at kontrabida actor na si Telly Babasa? Siya ay unang nakilala ng publiko dahil sa kaniyang husay na pagganap bilang kontrabida sa ilang mga hindi malilimutang pelikula. Ngunit kamusta na kaya ngayon ang dating kontrabida actor matapos lisanin ang showbiz limelight.

Wala mang masyadong detalye tungkol sa buhay ng batikang stuntman, kontrabida, at aktor na si Telly Babasa. Marahil halos lahat sa atin ay kilala siya dahil sa hindi niya malilimutang pagganap bilang kontrabida sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr.

Dahil sa taglay nitong may maangas na datingan at matipunong pangangatawan, napasama siya halos sa mga pelikula noon ni The King Fernando Poe Jr. katulad ng "Isusumbong Kita Sa Tatay Ko", "Pakner", "Muslim 357", "Kalibr3 45", "Mabuting Kaibigan... Masamang Kaaway", at marami pang iba.


Bukod dito, napasama din si Telly sa mga maraming pelikula ng mga batikang action stars katulad nina Robin Padilla, Ronnie Rickets, Bong Revilla, Philip Salvador, Roy Vincent, at marami pang iba.

Sa kalagitnaan ng kaniyang matagumpay na karera sa showbiz, bigla namang nawala si Telly sa showbiz limelight nang puman4w si Fernando Poe Jr.

Huling nasilayan si Telly sa pelikulang 'The Fighting Chefs' noong 2013 na pinagbibidahan ni Ronnie Rickets at minsan din siyang napasama sa mga cast ng "Ang Probinsyano" nang ABS-CBN.


Marami sa mga netizens ang nagtatanong kung nasaan na nga ba si Telly. Pero base sa video at vlog na ibinahagi ng isa sa mga anak ni Telly ay makikitang masaya naman ito sa kaniyang simpleng buhay ngayon kasama ang kaniyang mga anak at asawa.

Mapapansin sa aktor na tila iba na din ang kaniyang pangangatawan dahil na din siguro sa may edad na din ito. Mapapansin din na ang dating may matipunong pangangatawan ay tila nag iba na pero makikita pa din ang tikas nito at malakas na pangangatawan.


Nawala man si Telly sa mundo ng showbiz pero sigurado naman na masaya na ito sa kaniyang simpleng buhay ngayon kasama ang kaniyang pamilya. Sigurado din na hindi siya makakalimutan ng mga tao mula noon at hanggang ngayon dahil isa nga din siya sa mga paborito at magagaling na aktor na may naiambag sa mundo ng showbiz, lalo na sa mga maaksyong pelikula.

No comments