Featured Post

Mahal, Emosyonal Matapos Malaman Ang Kalagayan Ngayon Ni Mura


Matapos mag-viral ang video interview ni Mura sa isang YouTube vlogger, maraming netizens nga ang naawa sa kalagayan ngayon ng dating komedyante dahil sa mga pinagdadaanan nito ngayon, hindi lamang pinansyal dahil ito ay may iniinda ding s4kit sa kaniyang balakang.

Talaga namang marami ang naantig nang ibahagi ni Mura ang buhay niya matapos tumamlay ang career niya sa showbiz industry. Tuluyan na din niyang iniwan ang buhay artista at mamuhay na lamang ng tahimik at simple sa probinsya.

Samantala, nang malaman naman ng mga naka-trabaho at nakasama ni Mura sa showbiz ang pinagdadaanan niya ngayon, kaagad naman silang nakipag-ugnayan sa pamilya ng dating komedyante nang sa gayon ay makapagbigay sila dito ng tulong pinansyal at para na din maipagamot si Mura sa sakit na iniinda nito.


Ayon sa source, nang makarating umano sa dating ka-tandem ni Mura na si Mahal ang balita, naging emosyonal ito dahil buong akala niya ay maayos ang pamumuhay ni Mura sa probinsya.

Saad ng mga netizens, hindi man daw nabanggit ni Mahal na tinulungan niya ang dating komedyante ngayong may pagsubok na pinagdadaanan ito, sigurado naman daw na nagbigay ito ng tulong dahil naging mabuting kaibigan naman daw si Mura sa kaniya noong magkasama pa sila sa showbiz.


Sa ngayon, ipinapangako ni Mahal na gagawin niya ang lahat para sa dating kaibigan. 

Ayon sa netizens, sana daw ay matulungan din ng ilang TV network na makabalik muli sa showbiz si Mura.

Gayunpaman, sa ngayon ay kailangan munang sumailalim ni Mura sa therapy at pagpapagamot dahil sa iniinda niyang karamdaman sa paa matapos ang isang insidente na nangyari sa kaniya.

Kaya naman hiling ng marami ay sana mas marami pa ang tumulong kay Mura, hindi lamang sa mga pangangailangan nito sa araw-araw kundi para na din sa kaniyang pagpapagamot nang sa gayon ay makabalik na siya muli sa showbiz.

No comments