Featured Post

Long Mejia, May Rebelasyon Kay Ellen Adarna Na Ikinagulat Ng Publiko!


Si Long Mejia ay isa sa mga kilala at pinakamatagal na personalidad sa industriya ng showbiz. Sa loob ng mahigit na dalawang dekada niya sa entertainment industry, marami na din siyang nakatrabahong mga sikat at respetadong artista. Ngunit ngayon lamang umano siya nakaranas ng pangbabastos mula sa isang co-star. 

Ibinahagi ni Long Mejia ang diumano'y 'unprofessionalism' ng kaniyang co-star sa TV5 sitcom na 'John 'en Ellen' na si Ellen Adarna.

Nitong nakaraang June lamang ay nag-lock in taping ang mga cast sa isang resort sa Batangas. Kabilang na dito sina John Estrada, Ronaldo Valdez, Long Mejia, at Ellen Adarna. Ngunit ayon sa komedyante, nasaksihan umano niya ang pagwa-walk out ni Ellen sa kanilang set.


Pahayag ni Long sa kaniyang interview,

"Hindi pa siya sikat, ha? Mali yung ginawa niya, umalis siya sa gitna ng eksena. Ang salita niya lang sa isang production staff na nadaanan niya, 'Bye'. Ano 'yun? 'Yun yung nangyari. Hindi ba siya nahihiya? Wala siyang ginawa kundi magsolo agad."

Dagdag pa ng actor-comedian ay hindi maaaring umalis na lamang si Ellen ng basta-basta dahil may responsibilidad siya habang nagte-taping sila. Dahil sa pagwa-walk out ng aktres, naantala din ang kanilang taping dahil may isang eksena na kinakailangan ito.


Saad pa ni Long, napansin niya na tila laging nagmamadali ang aktres na tapusin ang kaniyang mga eksena kaya naman natataranta ang mga staff. Pagkatapos umano nito ay makikipagkita na si Ellen sa kaniyang boyfriend na si Derek Ramsay na kasama niya sa iisang kwarto sa resort.

"Ang mensahe ko kay Ellen, sana maramdaman niya yung mga katrabaho niya. Sa madaling-salita, maging propesyonal siya.

"Alam naman ng mga crew na hindi siya binastos, pero anong ginawa niya? Ang tawag doon, pambabast0s!

="Kaya ako, hindi ako naniniwala na ang pag-aaral, hindi porke’t mataas ang pinag-aralan mo, e, ganoon ang pagkatao mo. Hindi rin pala."

Kaya naman maraming netizens ang nadismaya kay Ellen dahil sa diumano'y ginawa nito sa taping.

No comments