Featured Post

LJ Reyes At Paolo Contis, Hiwalay Na Nga Ba? Yen Santos, Idinidiin


Hiwalay na nga ba ang magkasintahang sina LJ Reyes at Paolo Contis?

Ito ang tanong ng marami matapos mapansin ng mga fans at followers ng dalawa na naka-unfollow na sa Instagram page ng Kapuso actor si LJ.. Sa ngayon, 0 na ang following count ni Paolo sa Instagram.

Bukod dito, nakabura na din ang mga larawan ni Paolo kasama sina LJ at Akio, anak ng aktres sa dating kasintahan na si Paulo Avelino. Ang mga larawan na lamang ni Summer at promo ng mga pelikula niyang malapit ng ipalabas ang makikita sa kaniyang Instagram account.

Nagbahagi din si Paolo ng kaniyang larawan sa kaniyang Instagram account kung saan makikita siya na nasa talahiban na may caption na, "Tough road ahead... Rest. Reflect. But never stop moving..."


Kabaliktaran naman ng aktor si LJ Reyes dahil hanggang ngayon ay pina-follow pa din niya ang ama ng kaniyang anak na si Summer ngunit nakabura na din ang mga larawan niya kasama si Paolo sa kaniyang Instagram account.

Samantala, hanggang ngayon ay tikom ang bibig nina LJ at Paolo tungkol sa isyu ng hiwalayan umano nila.


Subalit tila palaisipan din sa mga netizens kung bakit 0 na din ang following ni Yen Santos sa kaniyang Instagram page. May ilang netizens ang nagsasabi na baka may kinalaman ang aktres sa isyu na kinakaharap ngayon nina LJ at Paolo.

Si Yen Santos ang leading lady ni Paolo sa movie nito na 'A Faraway Land' na mapapanood ngayon sa Netflix.

Samantala, ang iba naman ay tila nagdududa  at baka parte lamang daw ito ng pagpo-promote nila ng nasabing pelikula para ma-curious ang mga tao upang panoorin ito.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"sana mali yung kaba ko sa inyo ni Pao im a silent fan of your fam. nalungkot ako when u both stop reacting on your posts. sabi ko hindi sila to may something."

"But Pao posted about you taking care of the kids while he is on lockdown taping. sabi ko ay hindi. okay lang sila. pero hindi ee may iba. you stop to like and react to some posts which is unusual pero baka busy lang."

"Ganun talaga sa showbiz na mga couple bihira lang may forever. tong Paolo from Lianne ba yun sa EB babe tapos kay Lj puro hiwalay. hoy matanda kana mag settle kana. di habang buhay bata ka."

No comments