Featured Post

Lalaki Na Umorder Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fast Food Chain, Naiyak Na Lamang Sa Sorpresang Ibinigay Ng Mga Staffs


Isang nakakabagbag damdaming kwento ang ibinahagi ng netizen na si Earl Archievan Calixto sa kaniyang Facebook account tungkol sa isang lalaki na umorder ng isang cup ng kanin at tubig sa isang branch ng kilalang fast food chain sa Pampanga.

Napag-alaman ni Earl na ang naturang lalaki ay mula pa pala sa Tacloban at bumyahe lamang patungo ng Pampanga sa pag-asa na ito ay makakahanap ng trabaho dahil sa hirap na pinagdadaanan nila sa kanilang lugar.

Ayon kay Earl, makikita na pagod at gutom na gutom ang lalaki nang ito ay pumasok sa McDonald's branch sa San Fernando Pampanga. Nakita ni Earl na tanging isang cup na rice at tubig lamang ang inorder nito at kanin lamang ang kaniyang kakainin.


Hindi nagdalawang isip si Earl na lapitan si Tatay at bilhan pa ito ng pagkain dahil sinabi nito na nagugutom na siya ngunit hindi siya makabili ng maayos na pagkain dahil sa kakulangan ng kaniyang pera.

Saad ni Earl,

"Nilapitan ko si tatay tinanong ko kung gusto pa niya ng makakain, OO daw kase nagugutom siya pero kulang ang pera niya. So inorder ko siya ng makakain".

Matapos orderan ng pagkain si Tatay, laking gulat na lamang ni Earl dahil mayroon ng chicken fillet sa lamesa ni Tatay. Saad ng lalaki ay binigay daw ito sa kaniya ng crew.

Ani Earl sa kaniyang post,

"Thank you sa buong staff at crew ng McDonald's San Fernando malapit sa SM, di kayo nagdalawang isip na tulungan si Tatay."

Sa kabila ng matinding pagsubok na kinakaharap natin ngayon, nakakatuwa lamang isipin dahil mayroon pa ding mabubuting puso ang handang magbigay o magpaabot ng tulong sa kanilang kapwa na nangangailangan kahit sa maliit o simpleng paraan lamang. Nawa'y maging normal na gawain ang pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon natin ngayon kung saan karamihan sa ating mga kababayan ay labis na nakakaranas ng matinding kahirapan dahil sa pand3miya.

No comments