Featured Post

Kilalanin Filipina Celebrities Na Lumipas Man Ang Panahon Ay Nananatili Pa Rin Ang Magandang Mukha


Sa panahon na hindi pa uso ang selfie, retoke, at internet, hindi na kinakailangang i-filter pa ang ganda ng mga artista noong panahon ng dekada 50, 60, at 70. Natural ang taglay nilang kagandahan.

Lumipas man ang kanilang mga kabataan ay taglay pa din nila ang angking kagandahan.

Narito ang ilang mga classic Filipina celebrities noong kanilang kabataan.

Annabelle Rama

Si Anabelle Rama ay isa sa mga kilala at may pinakamagandang mukha sa showbiz sa kanilang henerasyon noon. Ilan lamang sa mga pelikula na ginampanan ni Annabelle ay ang 'Umaapoy na Bakal', 'Love for Hire', 'Hayok', 'Ibigay Mo Sa Akin ang Langit', 'My Monster Mom', at marami pang iba.

Si Annabelle ay nagpakasal sa matinee idol na si Eddie Gutierrez noong Nobyembre 8, 1980 sa Los Angeles. Sila ay biniyayaan ng anim na anak.

Susan Roces

Si Jesusa Purification Levy Sonora Poe o mas kilala sa kaniyang stage name na Susan Roces ay isa sa tinagurian bilang 'Queen of Philippine Movies' noong dekada 60s at 70s. Ilan lamang sa mga palabas na kaniyang ginampanan ay ang 'Mano Po 2: My Home', 'Ang Lahat ng Ito Pati Na ang Langit', 'Love Boat: Mahal Trip Kita', 'No Retreat... No Surrender.. Si Kumander', 'Pilipinas Kong Mahal', FPJ's Ang Probinsyano', at marami pang iba.

Si Susan ay ikinasal kay Fernando Poe Jr. 

Gina Pareno

Si Gina Pareno o Geraldine Achtley sa tunay na buhay ay isang Filipino actress. Nagsimula ang kaniyang career noong 1960s bilang extra sa ilang mga pelikula at kalaunan ay naging bahagi siya ng Sampaguita Pictures. 

Siya ay gumanap din sa ilang mga palabas tulad ng 'Da Pilya en Da Pilot', 'Magnificent Bakya', 'Like Father, Like Son', ''Working Girls', 'Bukas Luluhod ang mga Tala', at marami pang iba.

Nova Villa

Si Nova Villa o Novelita Villanueva Gallegos sa tunay na buhay ay isang aktres at beteranong komedyante. Siya ay gumanap na din sa ilang mga palabas kagaya ng 'Baril na Ginto', 'Batang Palengke', 'Stop, Look, Listen', P.S. I Love You', at marami pang iba.

Gloria Diaz

Si Gloria Maria Aspillera Diaz o mas kilala sa kaniyang stage name na Gloria Diaz ay isang multi-awarded actress. Mas nakilala ng publiko si Gloria matapos niyang manalo bilang Miss Universe 1969. Siya ang kauna-unahang Pilipina na nakakuha ng title bilang Miss Universe.

Gloria Romero

Si Gloria Galla o mas kilala sa kaniyang stage name na Gloria Romero ay isa sa mga kilalang aktres sa Pilipinas. Siya ay gumanap din sa ilang hindi malilimutang palabas sa bansa katulad ng 'Tanging Yaman', 'Dalagang Ilocana', at marami pang iba. Si Gloria ang kauna-unahang nakatanggap ng lifetime achievement award mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Rosa Rosal

Si Rosa Rosal o Florence Danon Gayda sa tunay na buhay ay isang FAMAS award-winning actress na tinawag bilang 'original femme fatal of Philippine Cinema'. Siya ay nakilala din dahil sa kaniyang magagandang gawa sa Philippine National Red Cross.

Boots Anson Roa

Si Boots Anson Roa o Maria Elisa Cristobal Anson-Rodrigo sa tunay na buhay ay isang aktres, lecturer, columnist, at editor. Nagsimula ang kaniyang acting career noong 1968.

Delia Razon

Si Lucy May Grytz o mas kilala sa kaniyang stage name na Delia Razon ay isang kilalang aktres sa Philippine showbiz industry. Una siyang nakilala sa kaniyang pagganap sa 'Krus na Bituin'. Na-diskubre naman ang kaniyang talento ni Dona Narcisa de Leon kung saan ito ang nagbigay ng kaniyang stage name na Delia Razon. Mas nakilala pa si Delia sa kanilang loveteam ni Rogelio dela Rosa noon.

Caridad Sanchez

Si Caridad Sanchez ay isang aktres na madalas nakikita sa GMA Network. Taong 1977 nang gumanap siya bilang Nanay Idad sa drama series na 'Gulong ng Palad.'

Celia Rodriguez

Si Cecilia Rodriguez ay isang aktres at gumanap na sa 130 na pelikula at television shows. Siya ay nanalo ng apat na FAMAS Awards sa pelikula na 'Kulay Dugo ang Gabi', 'The Passionate Strangers', 'Lilet', at 'Magnifico'. Siya ay nakatanggap din ng award bilang Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival sa pelikula na 'Bulaklak sa City Jail'.

Daisy Romualdez

Si Margarita Romualdez o mas kilala sa kaniyang stage name na Daisy Romualdez ay isang sikat na aktres sa Pilipinas. Ilan lamang sa mga palabas na kaniyang ginampanan ay ang 'Karate Fighters', 'Show of Shows', 'Tatlong ilaw sa Dambana', 'Ligaw na Bulaklak', at marami pang iba.

Daria Ramirez

Si Daria Ramirez sa isang beteranang aktres sa Pilipinas. Siya ay unang nakilala sa palabas na 'Lord Give Me A Lover' kung saan katambal niya si George Estregan.

Divina Valencia

Si Divina Valencia o Connie Duller sa tunay na buhay ay isang Pilipinang artista na unang gumanap sa pelikula noong 1964. Itinambal siya agad kay Jess Lapid sa pelikulang Kardong Kidlat.

Gloria Sevilla

Si Gloria Sevilla ay isang Piliinang aktres. Siya ay nakilala din bilang 'Queen of Visayan Movies' para sa kaniyang contribution sa mga Visaya movies sa Pilipinas noong 1950s at 1960s.

Helen Gamboa

Si Helen Gamboa ay isang aktres, singer, dancer, at dating beauty queen. Tinawag na 'Dancing Queen' ng Philippine cinema at TV musicals si Helen noong 1960s. 

Liza Lorena

Si Elizabeth Ann Jolene Luciano Winsett o mas kilala sa kaniyang stage name na Liza Lorena ay isang Pilipinang aktres. Siya ay nanalo bilang first runner-up ng Bb. Pilipinas pageant noong 1966.

Luz Valdez

Si Luz Valdez o Milagros Bernardo sa tunay na buhay ay isang Pilipinang aktres. Ang Valdez screen name ay ibinigay sa kaniya ng producer at co-founder ng LVN Pictures na si Narcisa de Leon noong 1958.

Marissa Delgado

Si Maria Epifania Garcia Boyle o mas kilala sa kaniyang stage name na Marissa Delgado ay isang aktres sa Pilipinas. Siya ay gumanap sa halos 90 na pelikula noong 1965 hanggang ngayon.

Marita Zobel

Si Marita Zobel o Mary Ann Blanch i Respall sa tunay na buhay ay isang Pilipinang aktres. Siya ay dating contract star sa LVN Pictures.

Perla Bautista

Si Perla Bautista ay isang multi-awarded actress sa Pilipinas. Siya ay gumanap sa mahigit na 250 na pelikula at television shows. Siya ay nanalo bilang Best Acress sa FAMAS Awards para sa pelikula na 'Markang Rehas'. Siya ay nanalo din sa Gawad Urian Award para sa Best Supporting Actress sa Anak Ng Carbon.

Pilar Pilapil

Si Pilar Pilapil ay isang Pilipinang aktres. Siya ay nanalo bilang Binibining Pilipinas Universe noong 1967. Taong 1967 nang ire-presenta niya ang bansa sa Miss Universe pageant.  Si Pilar ay gumanap sa ilang di malilimutang mga palabas katulad ng 'Kailan Ba Tama Ang Mali', 'Tinik Sa Dibdib', at 'Napakasakit Kuya Eddie.'

Pilita Corales

Si Pilita Corales o Pilar Garrido Corrales sa tunay na buhay ay isang singer-songwriter, actress, comedian, at television presenter. Siya ay tinagurian bilang 'Asia's Queen of Songs' at kilala sa kaniyang rendition ng 'Kapantay ay Langit'.

Rosemarie Sonora

Si Rosa Maria Sonora y Levy o mas kilala bilang Rosemari Sonora ay isang dating aktres. Siya ay gumanap sa mga palabas tulad ng 'Maraming Kulay ang Pag-ibig', 'Gintong Alaala', 'First Kiss', at marami pang iba.

Rosemarie Gil

Si Maria Rosa Francisca Catalina Gil-Eigenmann y Castellvi o mas kilala sa kaniyang screen name na Rosemarie Gil ay isang Pilipinang aktres. Siya ay nakilala sa pelikula na 'Patrona ng Imposible', 'Night of the Cobra Woman', at 'Naked Vengeance'.

Alicia Alonzo

Si Alicia Alonzo o Germelina Viana Hernandez sa tunay na buhay ay isang Pilipinong aktres na gumanap na sa ilang mga palabas at pelikula. Siya ay sumali sa showbiz noong 1967 at unang nakilala sa mga palabas na 'Kapag Puso'y Sinugatan', 'Together Again', 'So Happy Together', 'Kwatang: A Star Is Born', at 'Karate Kid'.

Barbara Perez

Si Barbara Perez ay isang Pilipinang aktres. Siya ay tinawag na 'Audrey Hepburn' ng Pilipinas dahil sa kaniyang swan-like neck, doe eyes, pixie face, at 19-inch waistline. Siya ay gumanap sa isang Hollywood movie na 'No Man Is an Island' noong 1962.

Amalia Fuentes

Si Amalia Amador Muhlach o mas kilala sa kaniyang stage name na Amalia Fuentes ay isang Pilipinang aktres na nakilala bilang 'Movie Queen' noong 1960s at 1970s. Siya ay minsan ding tinawag bilang 'Elizabeth Taylor of the Philippines'. 

Anita Linda

Si Anita Linda o Anita Buenaflor Lake sa tunay na buhay ay isang film actress. Sa edad na 74, siya ay tinagurian bilang oldest actress na nanalo sa FAMAS Awards bilang Best Supporting Actress para sa Ang Babae sa Bubungang Lata. Sa edad naman na 83, siya ay nanalo bilang Best Actress sa 10th Cinemanila International Film Festival.

Lucita Soriano

Si Lucita Sorinao ay isang Pilipinang aktres na gumanap na sa mahigit na 215 na pelikula at palabas sa telebisyon. Siya ay nanalo bilang runner-up sa Miss Philippine Press Photography (PPP) noong 1964.

Imelda Marcos

Si Imelda Remedios Visitacion Trinidad Romualdez o mas kilala bilang Imelda Marcos ay isang Pilipinang politician. Siya ay nagpakasal kay Marcos noong 1954 at naging First Lady noong 1965.

No comments