Featured Post

Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Nagkaroon Ng Pinagbabawal Na Relasyon


Hindi na bago para sa atin ngayon ang makarinig ng mga issue tungkol sa mga personalidad sa Philippine showbiz industry na nasasangkot sa third party at hiwalayan ng mga celebrity couple.

Kilalanin natin ang ilan sa mga celebrity couple na na-involved sa issue ng pagtataksil.

Toni Gonzaga & Paul Soriano

Gumawa ng pelikula noong taong 2017 ang aktres na si Erich Gonzales. Kasama niya sa pelikulang 'Siargao' sina Jericho Rosales at Jasmine Curtis-Smith. Ito ay idinerekta ng award-winning director na si Paul Soriano, ang asawa ng TV host-actress na si Toni Gonzaga. 

Matatandaan na nagkaroon ng usap-usapan tungkol sa pagiging malapit nina Erich at Paul sa isa't isa. Nagsimula ang balita tungkol sa kanilang dalawa habang nasa location shoot ng naturang pelikula kung saan makikita na magkasama na naglu-lunch ang actress at ang director. Nasabi din na minsan na din silang nagpapaiwan sa location kahit ang iba nilang kasamahan ay nagpapabalik balik sa Manila sa kalagitnaan ng kanilang shoot. Pinabulaanan naman ito ni Paul at sinabing ito ang pinakamasaklap na parte sa industriya na kanilang ginagalawan. Dagdag ng direktor, natural na sa kaniya ang makitang kasama ang iba pa niyang mga artista sa pelikula. Nangyari na din daw ito noong ginawa niya ang pelikula na 'Thelma' kung saan bumida si Maja Salvador noong 2011.

Nagsalita din si Toni tungkol sa isyu at sinabi nito na hindi siya magpaaapekto sa mga balita at naniniwala din daw siya sa woman's intuition. Wala din daw siyang naramdaman na kahit anong negatibo sa kaniyang asawa. Bago pa man magsimula ang shoot ng nasabing pelikula, nasabihan na din daw siya nina Erich at Paul na baka sila ay maiugnay sa isa't isa dahil na din sa mga hate messages na natatanggap ni Erich noon. Ipinagdasal na lamang ni Toni na hindi sana dumaan sa pagsubok ang kanilang married life.

Dawn Zulueta & Richard Gomez

Pinakasikat na reel-and-real life loveteam ang tambalang 'CharDawn' nina Richard Gomez at Dawn Zulueta noong dekada 90. Marami ang kinilig sa mga pelikula na pinagbidahan nilang dalawa. Isa na dito ang sikat na film na 'Hihintayin Kita Sa Langit'. Naging maganda ang relasyon ng dalawa sa isa't isa. Marami din silang memorable experiences, lalo na noong sila ay magkasamang nagta-travel. 

Maayos man ang naging relasyon nila, hindi itinanggi ni Dawn na nahirapan din siya sa pakikisama niya kay Richard. Binalikan nila ang kwento ng kanilang pag-ibig noong ginawa nila ang reunion project na 'Walang Hanggan' sa ABS-CBN. Ipinaalala ni Dawn kay Richard na tila nakakalimot kung paano sila nagkahiwalay at ang rason kung bakit hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Saad ni Dawn, kung naging matapat lamang ito sa kaniya ay baka silang dalawa ang nagkatuluyan sa totoong buhay. Matatandaan na na-link sa maraming babae si Richard noon. Ang balita tungkol dito ay kusang nakakarating kay Dawn at paminsan ay nahuhuli niya ang ginagawang pagtataksil ng nobyo noon. Napabalitang matapos ang kanilang relasyon ay nakilala ni Richard at sinuyo ng matagal ang yuma0ng fashion model na si Patricia Borromeo. Hindi kalaunan ay napabalita na nakikipagmabutihan na ito sa commercial model-politician na kabyak na niya ngayon na si Lucy Torres.

Karylle & Dingdong Dantes

Parang isang fairytale romance ang pag-iibigan na naganap sa pagitan nila Karylle at Dingdong Dantes noong 2005. Nag-umpisa silang magkamabutihan sa set ng 'Encantadia'. Matatandaan na naging maugong ang usap-usapang hiwalayan sa pagitan nilang dalawa nang simulang gawin ni Dingdong ang soap kasama si Marian Rivera, ang 'Marimar' at 'Dyesebel' noong 2008. Sabayan pa ito ng pelikula nila na 'One True Love' ng parehong taon. Sinasabing si Marian ang dahilan kung bakit naudlot ang pag-iibigang Dingdong Karylle.

Matatandaan din na bago pa man sumabog ang balitang hiwalayan ng dalawa, tinapos din ni Marian ang kaniyang 7-year relationship sa noo'y model at basketball player na si Ervic Vijandre. 

Sa una at huling pagkakataon, nagsalita si Karylle tungkol sa kaniyang pakikipaghiwalay kay Dingdong. Inilahad niya na hindi naging madali ang proseso ng kaniyang pinagdaanan. Matagal bago siya naging handa na pag-usapan ang issue. Ayon sa interview kay Karylle, maraming rason ang naging dahilan ng kanilang breakup na sa huli ay sila lang ni Dingdong ang nakakaalam. Mutual naman daw ang desisyon nilang dalawa na tapusin ang kanilang relasyon. Inamin ni Karylle na mas nasaktan siya sa break up niya kay Dingdong kumpara sa mga past break ups niya dahil maganda at masaya daw ang kanilang naging pagsasama. Hindi na din daw nagtutugma ang mga schedules nila dahil parehas silang busy sa kani-kanilang mga proyekto. Malaki naman ang tiwala ni Karylle kay Dingdong. Sinabi nito na kailanman hindi nagloko ang aktor habang nasa relasyon kay Karylle.

Joanne Villablanca & Derek Ramsay

Nagsimula ang relasyon ng hunk actor na si Derek Ramsay sa model at fitness enthusiast na si Joanne Villablanca noong 2013. Ito ay matapos ang relasyon niya sa aktres na si Angelica Panganiban. Ngunit ang pagsasama nilang dalawa na tumagal ng anim na taon ay sa wala din napunta. Ginulat nito ang maraming tao sa showbiz dahil dalawang buwan matapos sabihin ni Derek na napag-uusapan na nila ni Joanne ang pagpapakasal, hiwalayan naman ang kinumpirma nito. Mutual man ang naging desisyon ng parehong kampo, hindi maiaalis sa isipan ng karamihan na posibleng nagkaroon ng third party sa hiwalayan nila.

Naging usap-usapan kasi ang ginawang series ni Derek sa GMA-7, ang 'The Better Woman' kasama ang sexy actress na si Andrea Torres. Todo man sa pagtanggi, hindi maitatanggi na magkasama silang nagta-travel at marami din ang nakakakita sa kanila. Pinabulaanan naman ni Derek ang mga spekulasyon na si Andrea ang dahilan ng hiwalayan nila ni Joanne. Sinabi niya na pareho sila ni Joanne na may pagkukulang at hayaan na lamang sa kanilang dalawa ang totoong dahilan ng kaniyang paghihiwalay.

Ani Derek, hindi lamang daw talaga sila para sa isa't isa. Inamin naman ng aktor na sila ay nagde-date ng aktres na si Andrea makalipas ang ilang buwang break up kay Joanne.

Kim Chui & Gerald Anderson

Nagsimula ang lahat kina Kim Chui at Gerald Anderson sa loob pa lamang ng bahay ni Kuya. Sila ay magkasama sa 1st season ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006. Hindi pa man nabubuo ang love team nila na 'KimErald', makikitaan na ng pagkagusto ang binatang aktor sa Chinita Princess. Nabuo lamang ang kanilang love team nang silang dalawa ay makalabas ng bahay ni Kuya. Hindi lang on screen love team ang nangyari sa kanilang dalawa kundi naging real-life couple din sila. Tumagal ang kanilang relasyon ng apat na taon.

Nagkahiwalay man sa totoong buhay, patuloy pa din daw ang communication nilang dalawa. Ngunit dumating sad punto na naging on and off na din ang kanilang pag-uusap. Naging magulo daw ang lahat dahil nasanay sila na nandyan para sa isa't isa. Hindi naman naialis sa isip ng karamihan ang isyu ng pagtataksil kaya't humantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Dito na pumasok ang pangalan ni Bea Alonzo. Inamin ni Gerald na matindi ang pagkakagusto niya sa dalaga. Naganap ang lahat ng sila ay nagsagawa ng newest concert tour kasama ang ABS-CBN artists. Ngunit marami daw ang naging tutol sa relasyon nila dahil kasagsagan pa ng 'KimErald' love team noon.

Bianca Umali & Ruru Madrid

Maugong ang mga balita na noong 2018 pa lamang ay nagsimula ng mag-date ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Ngunit mariing pinabubulaanan ng dalawa ang mga haka haka. Subalit may mga lumabas na photos ng dalawa na magkasama sa Japan at sa Siargao. Sabi ni Ruru na may mga kasama sila at ang iba naman ay dahil sa trabaho. Inamin ni Ruru na hindi pa sila lumalabas ni Bianca ng sila lang dalawa. Inisip din niya na masasaktan ang mga fans nina Bianca at Miguel kung sakali na makita ang mga ito na may kasamang iba.

Sa kabila ng pagde-deny ni Ruru na walang namamagitan sa kanila ni Bianca, lumabas naman ang issue na nagalit umano ang aktres kay Ruru dahil pinagselosan nito ang co-star nito sa Cara X Jogger na si Jasmine Curtis-Smith. Balitang matapos ang premiere night na dinaluhan ng dalagang aktres, nagkaroon ng maliit na away sina Bianca at Ruru na muntik pa daw madaplisan ng sasakyan ni Bianca ang aktor sa parking lot ng mall kung saan ginawa ang premiere night.

No comment na lamang ang nasambit ng aktor tungkol sa isyu. Nang tanungin naman kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon, sinabi ni Ruru na malapit daw sila ng aktres. Subalit nitong Marso lamang ng kasalukuyang taon, tila nagpahiwatig na ng pag-amin ang dalawa.

Sa Instagram post ni Ruru, makikitang kasabay ng pagbati niya sa aktres ay ang pag-post nito ng larawan nila sa loob ng isang elevator na may caption na, "Happy birthday moonlight", na siyang sinagot naman ni Bianca ng isang emoji.

Sa isang interview naman kay Bianca tungkol sa relasyon niya sa aktor, sinabi lang nito na "Basta happy ako, happy siya. Happy kami."

Heart Evangelista & Jericho Rosales

Againts all odds at love conquers all pati na din you and me against the world. 'Yan ang ilan sa mga katagang nababagay para ilarawan ang pag-iibigan nina Jerico Rosales at Heart Evangelista. Matatandaan na noong 2008, ipinaglaban nila Heart at Jericho ang kanilang pagmamahalan. Hindi kasi boto ang mga magulang ni Heart kay Jericho dahil nalaman nila na isang binatang ama ito. Nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan si Heart sa mga magulang nito at tumagal din ng tatlong taon ang hindi nila pagkibo sa isa't isa.

Binansagan ni Heart na 'true love' ni Heart si Jericho . Sinabi nito na naging maganda ang kanilang naging pagsasama at tila walang problema na kinakaharap ang kanilang relasyon. Natuldukan lamang ang kanilang relasyon nang mapaniwala si Heart ng mga magulang na niloloko ni Jericho ang aktres at ito ay nakikipagmabutihan sa kasamahan nito sa soap, ang Malaysian actress na si Carmen Soo. Hindi man nagawang ipaliwanag ni Jericho kay Heart ang totoong pangyayari noon, aminado ng aktor na lubusan siyang nasaktan ng magpaalam si Heart sa kanilang relasyon.

Ani Jericho, kung hindi man maibabalik ang dating nakagawian, ang pagkakaibigan niya kay Heart ang nais niyang manumbalik na lang. Natupad naman ito nang muling magkita ang dalawa sa dinner na in-organize ni Tim Yap para sa 80th anniversary ng Rimowa, isang kilalang luggage manufacturer.

Nikki Gil & Billy Crawford

Taong 2008 nang magsimula ang pag-iibigan sa pagitan nina Nikki Gil at Billy Crawford. Tumagal ng limang taon ang kanilang pagsasama ngunit hindi nauwi sa maganda ang kanilang paghihiwalay. Pinilit din daw niya na ignorahina ng mga balita na niloloko umano siya ni Billy dahil hindi niya lubos maisip na ang ganitong sitwasyon ay mangyayari din sa kaniya.

Lost and confused, 'yan ang sinabing dahilan ni Billy kaya sila naghiwalay ni Nikki. Itinanggi naman nito na may third party na involved. Inamin ni Nikki na pinagsisisihan niya na umabot ng limang taon ang kanilang relasyon na alam naman niyang matatapos din. Mas minabuti niyang tapusin na ito bago pa mahuli ang lahat. Sinabi din niya na hindi naging maganda ang break up nila at nadurog ng todo ang kaniyang pagkatao dahil sa sinapit na heartbreak. 

Emosyonal naman na inamin ni Billy na siya ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Nadawit naman ang pangalan nila Coleen Garcia at Andi Eigenmann sa isyu ng hiwalayan nina Nikki at Billy dahil kasama nito si Coleen sa noontime show na It's Showtime at si Andi naman sa pelikula na 'Momzillas'. Mariin namang itinanggi ng mga ito ang akusasyon laban sa kanila. 

Taong 2014 nang ilantad sa publiko nina Billy at Coleen ang kanilang relasyon.

Angel Locsin & Luis Manzano

Unang naging magkarelasyon noong 2007, sina Angel Locsin at Luis Manzano ay inakalang maglelevel up na ang kanilang pagsasama dahil matatag din naman ang pundasyon nito. Matatandaan na minsan na silang nag-celebrate ng New Year sa Amerika kasama ang ama ni Luis na si Edu Manzano at half-siblings na sina Adi at Enzo. Nagkasama din ang pamilya ni Angel at pamilya ni Luis dito na si Batangas Congresswoman Vilma Santos, Senator Ralph Recto, at Ryan Christian. Sa hindi malamang dahilan, sila ay nagkahiwalay makalipas ang dalawang taon.

Tila sadyang pinagtagpo talaga sila ng tadhana dahil nanumbalik ang pagtitinginan nila sa isa't isa makalipas ang limang taong pagkakahiwalay. Subalit napansin ng isang source na tila matamlay at malungkot si Angel sa set ng Pilipinas Got Talent Season 5 kung saan host si Luis at isa naman sa mga hurado si Angel. Dito din nagsimula ang mga spekulasyon ng marami na may problema sa relasyon nila ni Luis. 

Sa gitna ng live on-cam taping ng nasabing show, nilapitan ni Luis ang napaiyak na si Angel at tiniyak nito ang pagmamahal sa dalagang aktres. Ngunit biglang umusbong ang pangalang Jessy Mendiola sa hiwalayang Angel Locsin at Luis Manzano.

Pinaliwanagan naman ni Jessy ang isyu tungkol sa hiwalayan nila Angel at Luis na nagdadawit sa kaniyang pangalan. Inamin niya na hiwalay na ang dalawa noong siya ay ligawan ni Luis. Nilinaw ni Luis na Enero noong taong 2016 nang sila ay maghiwalay ni Angel at Hulyo ng kaparehong taon nang sila ay maging magkasintahan ni Jessy.

Gerald Anderson & Bea Alonzo

"Nahulog ako ng matindi at mabilis," yan ang naging pahayag ni Gerald nang ilarawan nito ang una nilang pagtatagpo ni Bea Alonzo noong 2010. Nagkamabutihan ang dalawa noong Abril ng nasabing taon nang sila ay dumalo sa newest concert tour kasama ang ABS-CBN artists. Ngunit may kasunduan sila ni Bea na liligawan lamang niya ang dalaga matapos ang tatlong buwan. Hango sa three month tule na 'One More Chance'. Hindi naman naging madali sa kanila na pumasok sa isang relasyon dahil na din sa on-screen loveteam ni Gerald kay Kim Chui noong mga panahong iyon.

Hindi man nila mapigilan ang kanilang damdamin, itinago nila ang kanilang relasyon dahil na din sa dami ng tumututol dito. Si Gerald ay hindi pa hiwalay sa ka-love team na si Kim Chui noong mga panahong iyon ngunit sinabi naman ng binata na hiwalay na sila sa totoong buhay.

Ani Bea, pakiramdam niya ay hindi din naging matagumpay ang kanilang relasyon dahil pati magulang ni Gerald ay tutol sa kaniya at boto pa din sa ex-girlfriend nito. Pinagdesisyunan nilang dalawa na maghiwalay noong Nobyembre 2010. Makalipas ang anim na taon, muling nag-krus ang kanilang landas at dito na nila itinuloy ang naudlot na pag-iibigan.

Hindi man idinetalye ang eksaktong petsa ng kanilang pagbabalikan, sinabi ni Bea na muling nanumbalik ang nararamdaman niya noon para kay Gerald. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari kung saan naging maugong ang balita na ghinost umano ni Gera\ld si Bea. Namataan kasi sa isang party na magkasama sina Gerald at Julia Barretto na sinasabing dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.

No comments