Featured Post

Julia Barretto, May Matinding Rebelasyon Na Ikinagulat Ni Gerald Anderson


Puno man ng kontrobersiya ngunit tila sobrang tatag at saya ngayon ng relasyon ng celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. 

Sa latest vlog na inilabas ni Gerald sa kaniyang YouTube channel ay makikita na kasama niya ang kasintahan na si Julia kung saan chinallenge pa niya ang aktres na kainin ang mga street foods na hindi pa niya nasusubukan kainin. Ilan nga dito ay ang isaw, balun-balunan, dugo, at marami pang iba.

Kapansin pansin ang pagiging sweet ng dalawa sa nasabing vlog at muli na naman nilang pinakilig ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta.


Sa nasabing vlog, tinatanong din ni Gerald si Julia ng ilang mga katanungan galing sa kanilang mga fans habang nagpapatuloy ang street food mukbang nila.

Tanong ni Gerald kay Julia,

"What is your 5- to 10-year plan?"

Tugon ni Julia,

"Family."

Tanong muli ni Gerald,

"San don? Sa 5 or sa 10?"

Sagot ni Julia na ikinagulat ng aktor,

"Next year."

Sa parehas na video, sinabi ni Julia na handa niyang iwan ang kaniyang showbiz career kapalit ng tahimik at simpleng buhay.


Pahayag ni Julia,

"Because I feel like at an early age, I was already exposed to this life because I grew up and my aunts will take me to their work and my dad and my mom. It was kind of the only life I knew so I felt like that's where I was gonna end up. But in the future, simple quiet life is what I dreamed."

Ang nasabing vlog ay ang kauna-unahang video nina Julia at Gerald ng magkasama matapos aminin sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon. 

Madalas din na nakikita ang dalawa na magkasama sa iba't ibang mga events kagaya ng aeta community, pangingisda sa West Philippine Sea, at marami pang iba. Madalas ay makikita din na kasama ng dalawa ang kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya sa kanilang travel.

No comments