Featured Post

Judy Ann Santos, Naiyak Sa Kakatawa Dahil Sa Ginawang Ito Ni Ryan Agoncillo


Hindi nga kinaya ng aktres na si Judy Ann Santos ang ginawa ng kaniyang asawa na si Ryan Agoncillo sa katatapos lamang nilang pagpapabakuna kontra C0VID.

Sa isang viral video sa social media account ng aktres, makikita na naiiyak na sa labis na tuwa si Judy Ann matapos muling balikan ang nakakatuwang nangyari sa kanila noong vaccination day nila.

Noong Lunes, Hulyo 12, nakuha na ng celebrity couple ang ikalawang dosage ng kanilang bakuna kontra C0VID-19.

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nagulat nang magbigay ng paalala si Judy Ann sa kaniyang Instagram post tungkol sa dapat isuot kapag kukuha ng bakuna.



Ayon sa 43-year-old actress,

"2nd dose done! Nagsimula ng seryoso, nag-ending sa pakabugan ng entry sa pagturok!" 

Dagdag pa niya,

"Isang mahalagang paalala... Wag po magsusuot ng polo na mahigpit ang manggas."

Sa nasabing online post, nagbahagi din si Judy Ann ng ilang mga larawan ni Ryan na tinatanggal ang kalahati ng kaniyang polo shirt para makuha ang bakuna na siyang kinagiliwan ng mga netizens.


Samantala, sa Instagram account naman ni Ryan, muling pinatawa ng actor-TV host ang mga netizens sa caption ng kaniyang post.

Saad niya,

"My most daring role ever. TUROKPart 2. Warning: Wag mag-polong mahigpit para bakuna’y di sumabit."

Ang nasabing pangyayari ay nagpatuloy sa pagpapatawa kina Judy Ann at Ryan. Ibinahagi pa nga ng aktres ang video kung saan makikita na halos maiyak na siya kakatawa habang inaalala ang nakakatuwang pangyayari sa kanilang pagpapabakuna.

Ani Judy Ann,

"Hindi ako maka-recover."

Makikita sa video na pinupunasan ni Judy Ann ang kaniyang luha dahil sa labis na pagtawa habang si Ryan naman ay tumatawa din sa tabi niya.

Samantala, maging ang online communit ay labis din na natawa sa nangyari sa mag-asawa dahil sa good vibes na hatid nila sa publiko.

No comments