Featured Post

JaMill, Usap-usapan Sa Social Media; Mga Properties Na May Pagkakahawig Sa Kanilang Ari-arian, Ibinebenta Na!


Matapos burahin ang kanilang YouTube channel, for sale na din ngayon ang iba pang mga ari-arian ng vlogging couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala sa kanilang tambalang JaMill.

Ayon sa dalawa, gusto nilang magkaroon ng tahimik at simpleng buhay kaya napagdesisyunan nilang burahin na ang kanilang channel.

Ngunit kahit na naging laman ng usapin sa social media dahil sa desisyon nilang ito, hanggang ngayon ay nananatili pa ding walang imik sina Jayzam at Camille tungkol sa isyu.

At makalipas lamang ang ilang araw ay ibinebenta na ang isang mansion at mamahaling sasakyan na may pagkakaparehas sa kanilang pag-aari.



Sa ulat mula sa isang online publication, sinasabi na ang Jeep Wrangler na may pagkakapareho sa sasakyang pag-aari ng JaMill ay ibinenta ng hiwalay.

Samantala, ang poster naman ng house and lot na may pagkakahawig din sa bahay na pag-aari ng JaMill ay sinasabi na ang halaga ng two-story house na may swimming pool ay kasama na lahat ng mga bagay na makikita sa loob nito maliban sa mga personal na bagay.

Saad sa poster,

“FOR SALE! 2 storey house with swimming pool, kasama lahat ng gamit sa bahay (except personal items).”



Sinasabi din sa poster ng house and lot na ang lahat ng magbabahagi ng post at mag-uugnay sa kanila sa sure buyer ay magkakaroon ng P100,000 commission.

Saad pa sa poster,

“SHARE this post and get 100,000 pesos (commission) when your referral is set as sold transaction (hindi po kayo makikipag usap, basta refer nyo lang po ako na bahala makipag transact) direct owner/seller here.. ez 100k sayo.”



Sinabi din sa poster na hindi sila sasagot ng mga personal na tanong o mga balita tungkol sa dahilan kung bakit ipinagbebenta na ang property.

“We won't entertain any personal question and or tsismis marites.”

Bago ang post na ito, nag-post din ang parehas na Facebook user na for sale na din ang Jeep Wrangler.


Hindi naman sinabi ng poster kung sino ang nagmamay-ari ng house and lot pati na din ang sasakyan ngunit maraming netizens ang nagsasabi na ang mga ito ay may pagkakapareho sa pag-aaring ari-arian ng JaMill.

No comments