Featured Post

Iza Calzado, Kumpirmadong Gaganap Bilang 'Unang Darna'


Inanunsyo kamakailan lamang ng ABS-CBN network na ang batikang aktres na si Iza Calzado ang siyang gaganap bilang unang 'Darna' sa palabas na inaabangan ng marami na 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series.'

Sa nasabing series, si Iza ay gaganap bilang ina ng superheroine na si Nardna na gagampanan naman ng Kapamilya star na si Jane de Leon. Ayon sa kwento ng fantaserye, si Iza ang siyang magpapasa ng makapangyarihang bago sa karakter ni Jane.

Labis naman ang saya na nadarama ni Iza dahil siya ay muling mabibigyan ng oportunidad para maging Darna makalipas ang maraming taon.


Para sa kaalaman ng marami, si Iza ay inalok na din na gumanap sa naturang karakter noong siya ay nasa GMA-7 pa lamang ngunit ito ay hindi natuloy. Taong 2005 nang makuha naman ng aktres na si Angel Locsin ang nasabing role.

Ani Iza,

"Finally, I can claim to be part of the Pinoy superhero history! I almost had the chance in the past, but God had other plans. I was not meant to be that Darna but he surely prepared me to play this Darna."


Dagdag pa ng aktres,

"Everything always happens in His perfect time. I call it Divine Timing."

Samantala, inamin ni Iza na ang maging isang 'hero' sa panahon ngayon ay isang malaking responsibilidad na lalo pa na humaharap tayo sa maraming problema ngayon. 

Saad niya,

"Being a hero during these challenging times is exciting and female one at that just means so much more. Of course, I do recognize that with great power comes great responsibility. As cliche as it sounds, there is truth to this."


Ayon sa Kapamilya actress, nakuha na niya ang role noong taong 2017 pa at mula noon ay naging constant na siya bilang gaganap na 'unang Darna' sa nasabing serye kahit pa man may ilang mga pagbabago sa naging cast nito matapos palitan ni Jane ang dapat sanang gaganap bilang bida na si Liza Soberano.

Sinabi ni Iza na sumasabak na siya ngayon sa maraming pagsasanay para maihanda ang kaniyang sarili para sa kaniyang upcoming role.


Pagbabahagi niya,

"Fitness has always been part of my lifestyle and I have had many training sessions with the fight directors both with Liza and Jane."

Ayon sa ABS-CBN, magsisimula na ang taping ng 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series' ngayong darating na September.

No comments