Featured Post

Ito Pala Ang Katotohanan Sa Paghihirap Ngayon Na Dinaranas Ni Mark Herras!


Nitong nagdaang araw lamang ay nalaman ng publiko ang tungkol sa kalagayan ng aktor na si Mark Herras. Ang kaniyang manager kasi na si Lolit Solis ay nagsabing nanghiram umano ang aktor sa kaniya ng maliit na halaga. Subalit, nauwi lamang ito sa pag-uusap ng netizens tungkol sa estado ng buhay ngayon ng aktor at ang pagpuna nila ng beteranong columnista at talent manager sa ipinakita nitong pag-uugali.

Pahayag ni Lolit, pamilya kung maituturing ang mga hawak niyang artista at talents na kahit problema nila ay madali nilang nasasabi sa isa't isa. Ngunit ang paglapit sa kaniya ng alagang si Mark ay kaniyang kinais at sinabing sa halagang P30,000 ay wala siyang naipon. 

Paliwanag naman ng aktor, ayon kay Lolit, hindi pa nagsisimula ang lock in taping nila kaya't wala pa itong pera sa ngayon. Ang nais ipunto ni Lolit sa sitwasyong ito ay matagal ng artista si Mark subalit wala itong naipon kahit na maliit na halaga.

Taong 2003 nang mabalita ang pag-usbong ng isang bagong pangalan sa larangan ng showbiz. Ito ang taon ng makilala ng publiko si Mark Angelo Herras na mula sa San Pablo City, Laguna. Matapos nitong manalo bilang Ultimate Male Survivor sa Season 1 ng reality artista search na StarStruck, marami ang naging proyekto sa GMA-7, lalo na noong buuin ng management ang love team nila ni Jennylyn Mercado na kasabayan niya at siya namang nanalo bilang Ultimate Female Survivor. 

May humigit kumulang sa dalawangpu ang kaniyang nagawang pelikula tulad ng Let The Love Begin, Super Noypi, Italy, at ilang indie films. Nakagawa din ito ng mahigit tatlungpung TV shows kasama na dito ang Click, SOP, Mga Mata ni Angelita, Joaquin Bordado, at marami pang iba.

Subalit naiulat din na sa kalagitaan ng kaniyang buhay showbiz, naging matamlay ang kaniyang karera. Ang naging dahilan diumano ay ang pakikipagrelasyon niya sa aktres na si Ynna Asistio. Limang taon ang itinagal ng kanilang relasyon ngunit pinag-usapan ang pagkawala ng ilang fans ni Mark mula nang pumasok ito sa relasyon kasama si Ynna. 

Sa mga nasabing usapin noon tungkol sa kanilang dalawa, ipinagtanggol ni Mark si Ynna at sinabing hindi ang aktres ang dahilan kung bakit tila tumamlay ang kaniyang career. Ani Mark, marami pa din naman siyang mga proyektong ginagawa kahit nasa relasyon kay Ynna. Dagdag pa ng aktor, nagkaroon ito ng desisyon para sa kaniyang sarili na hindi kumuha ng trabaho araw-araw ng walang pahinga. Iginiit nito na hindi si Ynna ang dahilan kung bakit nag lie low ang kaniyang career noon kung saan halos sampung taon na siya sa industriya at sinabing mas pinili niya ang kaniyang karapatan na magkaroon ng pahinga sa trabaho.

Dumating din si Mark sa punto na tatlong buwan itong walang proyekto sa GMA-7. Ang pinakahuling proyekto nito noon bago lumabas ang balita sa pagtamlay ng kaniyang career ay ang seryeng Hiram na Puso kasama si Kris Bernal. 

Sinabi niya sa isang interview noon na may iba siyang ginagawa habang naghihintay ng proyekto mula sa management ng GMA Network. Naitanong din sa kaniya noon ang mahinang pasok ng mga proyekto at kung nakakaramdam ba siya ng lungkot sa nangyayari sa kaniyang career at tila matagal din ito kung mabakante. Paliwanag ni Mark noon, ang pagiging matinee idol niya ay tila nagwakas na dahil mas gusto na din niyang gumanap ng mga challenging roles. Hindi din naman niya masabi noon na lumipas na ang kaniyang career dahil active pa naman siya kahit tila kumokonti na lamang ang kaniyang mga projects.

Mas naging maganda din daw kung bumagal ang takbo ng kaniyang career dahil napagtutuunan niya ng pansin ang bawat proyekto at nakikita kung ano pa ang maaaring gawin upang mapagbuti ito.

Ang mga naging pahayag na ito ni Mark ay tila taliwas sa mga nasabi ng kaniyang manager na si Lolit.

Ayon sa kaniya,

"Ang pag tamlay ng career ni Mark ngayon o kahit noon pa, ay dahil sa nararamdaman nitong nagiging kampante na lang ito sa kung ano ang ma-offer sa kaniyang proyekto."

Dagdag pa ng manager,

"Wala itong inistyatibo at pagkukusa na gumawa ng paraan upang magkaroon ng mga proyekto.

"Kung ano na lamang ang ihain kay Mark magiging kuntento na ito."

Ikinumpara din niya ito sa ibang mga naging kasabayan sa StarStruck na patuloy ang trabaho at pagpasok ng mga proyekto na kanilang ginagawa. 

Ani Lolit, kahit pa man hanga siya sa ugali at pagkatao ni Mark dahil sa pagiging mabuti at mabait nitong tao, sinabi niyang kulang ito sa ambisyon at wala sa focus pagdating sa kaniyang trabaho. Dito na niya nasabing tila sinasayang ni Mark ang kaniyang career.

Sa paglalahad ng talent manager niya tungkol sa panghihiram nito ng pambili ng gatas ng 6-month-old baby nila ng beauty queen at actress na si Nicole Donesa. Ipinaalala din ni Lolit sa alaga ang importansya ng pagsusumikap sa trabaho. Ngayong siya ay isa ng ama, mas lalo daw dapat pag-igihin ni Mark ang pagtatrabaho dahil may mabigat na responsibilidad na ito sa buhay.

Ang kaniyang panganay na anak na babae ay pitong taong gulang na ngayon at naiulat noon na matagal na din niya itong nakikita. Isinisisi din ni Lolit ang katamlayan ng career ni Mark sa mga kaibigan nitong walang pagmamalasakit sa kaniyang career na mas pinakikinggan nito kaysa sa mga nagpapakita ng concern sa kaniya. 

Hindi pa dito natapos ang paglalahad ni Lolit tungkol sa pag-uugali ni Mark na napakinabangan ang cash advances na maaaring kuhanin ng mga talents ng GMA-7. Sinabi niyang mas inuna nitong gamitin ang halos kalahating milyon na nai-advance nito sa management sa pag-gimik kasama ang pamilya ng kaniyang dating kasintahan. Iginiit din ni Lolit na ang ina ng kaniyang ex-girlfriend din ang nagsabi sa kaniya na dapat siyang magkaroon ng cut off sa mga tapings. 

Subalit nang malaman ito ni Lolit, sinabi niya kay Mark na hindi pa siya isang malaking artista para manghingi ng cut off time. Ito daw ay isang paraan ng talent management na sabihin sa aktor na kung nais niyang maging sikat na artista ay dapat niyang pagsumikapan ito.

Kinalaunan ay pinahiram din naman ni Lolit ang alaga subalit nais lamang nitong ipaalala sa kaniya na ang maliit na halagang kailangan niya ngayon para sa kaniyang pamilya ay dapat na naipon na niya.

Hindi pa din naman sumusuko si Lolit sa pagmam-manage niya sa career ni Mark kaya naman nais nitong matuto siya para sa kaniyang kapakanan.

Nang makalabas sa publiko ang usaping ito, hindi napigilan ng ilang artista at netizens ang maglabas ng kanilang reaksyon at saloobin tungkol sa kanilang nalamang balita. Isa na dito ang aktres at businesswoman na si RR Enriquez. 

Sinabi ni RR sa isang post sa social media na hindi na dapat isinapubliko ng talent manager ang nangyari at itinuring na lang itong pribadong bagay sa pagitan nilang dalawa. Sa ginawa daw na ito ni Lolit, ipinahiya nito ang kaniyang alaga dahil lamang sa isang maliit na halaga at ipinaalam pa sa publiko ang estado ng buhay ngayon ng aktor.

Marami naman ang sumang-ayon sa post na ito ng aktres. Isa na din sa mga nag-komento sa post ni RR ay ang kapatid ni Ynna na si Yanna na nagbigay ng suporta kay Mark pati na din sa kaniyang baby boy.

Sa pangyayaring ito, ipinaliwanag ni Lolit na ginawa lamang niya iyon dahil sa naramdaman nitong pagkadismaya sa kaniyang alaga na sa maliit na halaga ay wala itong naitago. Sinabi niya na isang kilalang artista si Mark ngunit hindi man lang nakapag-ipon para sa kaniyang kinabukasan at pamilya.

Ani Lolit, ang reaksyon at komento ng mga netizens sa nasabing isyu higit sa kaniya ang mas nagpababa sa integridad ni Mark bilang isang artista at tao.

Sa isang mahabang post sa kaniyang social media, inamin din naman ni Lolit na nakaramdam siya ng pagka-guilty na parang ipinahiya nga niya ang kaniyang alaga. Sinabi niya na hindi lamang si Mark ang artistang mina-manage niya ang nanghiram sa kaniya ng pera. Dagdag pa niya na huwag masyadong mapanghusga at over-acting ang mga tao sa nangyari. Pinayuhan nito ang publiko na imbes na mag-komento sila sa pagtrato niya kay Mark, pinayuhan na lang nila sana ang aktor na pagbutihin at magsumikap ito sa kaniyang trabaho.

Sinabi din niya na tunay silang nagmamalasakit sa aktor, binigyan sana nila ito ng magandang payo upang mapabuti pa nito ang kaniyang buhay. Natutuwa naman si Lolit ng kaniyang malaman na maraming followers si Mark na gustong magtanggol sa kaniya kung sakali man na mapasok ito sa hindi magandang sitwasyon.

Hangad ni Lolit ang kaayusan sa karera ni Mark. Isa siya sa makakapagpatunay na isa itong mabuting tao at pinakamahal niya sa lahat ng kaniyang mga inalagaang artista. Dagdag pa ni Lolit, si Mark ang klase ng tao na walang inggit sa katawan at very optimistic. Subalit nagkulang lamang ng pagkakaroon ng competitive spirit kaya't kung ano na lamang ang ihain sa kaniyang trabaho ay magiging kuntento na lamang ito.

Hiling ni Lolit para sa kaniyang alaga na magkaroon ito ng mga proyekto ngayong natuto na ito na magkaroon ng panibagong approach sa trabaho. Umaasa din ito na hindi pa maging huli ang lahat para kay Mark at sa mga nasayang na panahon nito sa kaniyang acting career.

No comments