Featured Post

Isang Vlogger, Inalok Ng Pera Ang Matandang Tindero Kapalit Ng Paghalik Sa Kaniyang Paa


Karamihan sa mga vloggers ngayon ay gumagawa ng mga social experiment bilang content sa kani-kanilang mga YouTube channels. Gayunpaman, may ilang mga social experiments na layong magbigay ng mensahe at inspirasyon sa mga viewers. Isa sa mga ganitong uri ng social experiment ay ang viral video na ibinahagi ng Pinoy vlogger na si Jose Hallorina.  Ang nasabing video ay umani ng iba't ibang komento mula sa mga netizens dahil sa sensitibong content nito.

Sa kaniyang vlog na pinamagatang "Halikan Mo Paa Ko Kapalit ang Pera", itinampok niya ang kwento ng isang matandang lalaki na nagtitinda ng gulay sa gilid ng kalye.

Nang makita ni Jose ang kalagayan ng matandang lalaki na nakamukmuok malapit sa kaniyang kariton na may lamang mga paninda, hindi na nagdalawang isip pa si Jose na lapitan ito at kausapin. Doon ay napag-alaman ng vlogger na inaantok ang matanda dahil madaling araw pa lamang ay gising na ito para mamili ng mga gulay na kaniyang ititinda. 


Si Tatay Danilo ay mayroong tatlong anak na naiwan sa probinsya. Tanging P3,000 lamang ang kaniyang puhunan, at mahigit na 16 oras siyang nagtitinda sa kalye.

Sambit ni Jose dito,

"Bibigyan kita ng tatlong libo tay, para makauwi kana makapagpahinga kana, kasi alam ko ngayon holiday. Kaya walang masyadong tao."


Tanong niya sa matanda,

"Magbibigay ako ng tatlong libo pero sa isang kondisyon... 

"Bakit ako magpapahalik, kasi gusto kong maramdaman ano yung pakiramdam na may pera, may kapangyarihan, yung nasa taas ka. Ano kakasa ka ba, papayag ka ba o hindi?"

Maya maya pa ay hinubad na ni Jose ang kaniyang sapatos upang pahalikan kay Tatay Danilo ang kaniyang paa. Ngunit hindi niya inaasahan na talagang papayag ang matanda sa ipinapagawa niya kapalit ang pera na ibibigay niya dito.

Tanong niya sa matanda,

"Tay Danilo, naiyak ako, bakit ka pumayag?"

Ayon kay Tatay Danilo, puhunan na niya ang perang ibibigay sa kaniya ng vlogger kung hahalikan niya ang paa nito. Lubos naman na nalungkot si Jose dahil sa nakakaawang kalagayan ng matanda.

Ipinaliwanag naman ng vlogger na ang kaniyang video ay social experiment lamang. Humingi din siya ng tawad kay Tatay Danilo at ibinigay niya ang P3,000 dito. Dinoble pa niya ang halaga nang sa gayon ay makauwi na si Tatay Danilo at makapagpahinga.

No comments