Featured Post

Isang OFW Na Nagtrabaho Sa Loob Ng 21 Na Taon, Isa Ng Palaboy Ngayon Matapos Iwan At Pabayaan Ng Pamilya


Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ito na nakapagtapos sa kursong Architect at nagtrabaho sa Saudi bilang isang Quality Control sa loob ng 21 na taon.

Ang lalaki ay kinilala sa kaniyang pangalan na Ramon na hindi na nagawa pang makapag asawa at bumuo ng kaniyang sariling pamilya dahil iginugol niya ang mga taon sa pagtatrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa kaniyang pamilya at mga kamag-anak.

Si Ramon ang siyang nagpaaral sa kaniyang mga kapatid sa Pilipinas. Maging ang kaniyang mga sahod at bonus ay napupunta na lamang sa kaniyang mga kapatid at pamangkin.


Naging masaya naman si Ramon sa resulta ng kaniyang ginawang pagtulong. Masaya siya na malaman na ang kaniyang mga kapatid at mga pamangkin ay nakapagtapos na nang pag-aaral at mayroon na ding magagandang trabaho ang mga ito.

Ngunit sa kabila ng kaniyang pagtulong ay hindi siya nakapagpundar ng kahit ano para sa kaniyang sarili. Kinailangan niyang umuwi ng bansa dahil sa naramdaman nitong sak1t. Ngunit labis na dismaya ang naramdaman ni Ramon dahil wala man lamang sa kaniyang mga kapatid o kamag-anak ang ninais siyang kupkupin at alagaan sa kaniyang pag-uwi.

Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Ramon dahil sa mahigit na 21 na taon na pagtatrabaho niya sa ibang bansa ay wala siyang ibang ginawa kung hindi magbigay ng tulong sa kaniyang mga kamag-anak sa bansa.

Sa kabilang banda, bukod sa perang nawala kay Ramon, siya ay nawalan din ng mga kamag-anak na kaniyang masasandalan sa panahon ng problema. Buong akala niya noon na matapos niyang tulungan ang kaniyang mga kapatid at igugol ang kaniyang panahon sa pagtulong sa mga ito ay susuklian nila ang kabutihang ibinigay sa kanila.

Ngunit taliwas sa kaniyang iniisip ang nangyari dahil matapos ang 21 na taon na pagtatrabaho niya sa Saudi at makaramdam ng sakit ay wala ni isa sa mga ito ang ninais na tulungan o alagaan siya sa kaniyang pagbalik sa Pilipinas.

Tuluyan na ding pinabyaan si Ramon ng kaniyang mga kamag-anak matapos makuha ng mga ito ang lahat ng kaniyang pera kaya naman napilitan siyang maging palaboy sa daan. Hindi din siya makapag hanapbuhay dahil sa kaniyang karamdaman kaya naman siya ay nasa loob ng Lunte Park at umaasa na lamang sa mga limos at pagkain na ibibigay ng mga taong nagdaraan.

Ang netizen na si Aileen ang siyang nagbahagi ng kwento at larawan ni Ramon.

Saad niya sa caption ng kaniyang post,

"Hindi masama ang tumulong sa kapwa lalo at ito ay iyong kamag-anak o kapatid, ngunit hindi sa lahat ng tao ay nararapat ito dahil hindi natin alam na kahit sarili nating kadugo ay matapos nating tulungan ay kung minsa'y hindi nagiging maganda ang balik nito sayo".

"LIFE LESSON : 

"WAG TAYO BIGAY NG BIGAY SA IBA DAHIL SA BANDANG HULI TAYO PA NAG MAWAWALAN. MATUTO TAYONG MAGTIRA PARA SA SARILI UPANG MAIHANDA ANG ATING KINABUKASAN".

No comments